Prolouge
is naglalakad sa kalsada o hindi kaya dahil sa mga dumadaan at nagbubusinang mga kotse dahil sa buhol-buhol na traffic ay bigla nalang naging tahimik na walang ibang maririnig kung hindi ang malakas na buhos ng ulan na parang ma bibingi ka dahil sa lakas na buhos nito.
Ngunit may isang anino na bumasag sa katahimikang dala ng malakas na buhos ng ulan, dahil dinig na dinig ang bawat hakbang nito, na parang nagmamadali o hindi kaya hinahabol ng kung sino man. May dala-dala itong nakabalot sa isang napaka-puting bandana na nagbibigay ng liwanag upang makaaninag sa malabong daan dala ng malalim na kadiliman, na may napakabulahaw na tinig na nakikisabay sa malakas na buhos ng ulan.At biglang may napakalakas na kidlat na tumama sa malapad na kalsada sa bayan ng Roosevelt na nag hatid ng malawakang pagkawala ng kuryente sa siyudad.
"Ayyy......."
Sigaw ng misteryosong anino na naglalakad sa napakadilim na daan, ngunit masuwerte parin ito dahil sa liwanag na hatid ng napakaputing bandana na dala nito.
"Aurora... Aurora... Saan kana bahhh... haha.. Mahahanap rin kita..."
Mabulahaw na sigaw ng isang misteryosong lalaki na bumaba mula sa kalangitan kasabay ng napakalakas na kidlat.
Napahinto ang misteryosong anino ng marinig nito ang isang pamilyar na tinig na pumukaw sa mga nakabaong alaala na pilit bumabalik sa kanyang isipan. Ngunit hindi ito natinag sa kanyang layunin at mas binilisan ang pagbagtas sa mahabang kalye ng bayan ng Roosevelt. Sa kalagitnaan ng paglalakad nakadama na ito ng pagod, ngunit patuloy parin nitong pinipilit, maka layo lang sa tinatakasan nitong badya.
"Malapit na ako Aurora... Hahaha.. Tanaw na kita.."
Sigaw ng misteryong lalaki na pilit hinahabol ang misteryosong anino.
"Pabayaan mo na kami.... Sinisiguro ko hinding-hindi mo siya makukuha..."
Tugon ng misteryosong anino sa humahabol na lalaki.
Ang madilim na kalye ay nabalot nang napakalakas na enerhiya kasabay ng pag bitaw ng misteryosong anino ng isang naiibang salita na hindi mo maintindihan at bigla itong tumama sa misteryosong lalaki na humahabol sa kanya at doon nagkaroon ng pagkakataon ang misteryosong anino na takasan ang humahabol dito. Hinang-hina na ito na pawang nawalan ito ng lakas at napadpad sa isang napakalumang kumbento sa labas ng bayan ng Roosevelt. Iniwan nito ang dala na nakabalot sa napakaliwanag na bandana na may kasamang malakas na bulahaw ng kung ano man. Hinawakan niya ito sa huling pagkakataon at iniwanan ng isang amulet at isang dasal gamit ang naiibang salita na nag patahimik sa malakas na bulahaw nito at biglang siyang napaluha kasabay ng napakalakas na buhos ng ulan na pawang ayaw nitong mapahiwalay at gusto pa sanang makapiling ng panghabang buhay. Kinatok ng misteryosong anino ang pito ng kumbento upang pagbuksan ang iniwan nito. Nang mapansin nitong binubuksan na ang mga kandado sa pinto ng lumang kumbento ay agad itong nawala na animoy isang bula. Nang binuksan nila ang pinto nagtaka ang mga madre at pari dahil wala silang nadatnan na tao at ng may marinig silang napakamunting hagikhik ng isang munting anghel sa baba, nagulat ang mga ito na may halong galak at mga tanong na bumabagapag sa kanilang isipan, ngunit ang tuwa at galak ay mamumutawi sa kanilang labi dahil naka tagpo sila ng munting biyaya ng Diyos at iyon ay ang munting bata na pinangalanan nilang.
--------------------------------------------
-------"Hi... Baby Diana.... Chuchi.. Chuchi.. Chuchi.." Aliw ng nakatukang madre na magbantay kay Diana habang nagsasagawa ng misa ang tumatayong tatay ng bata na si Rev. Francisco Schultz isang misyonaryong Portuguese.
Maraming tao ang humahanga sa angking kagandahan at maamong mukha na taglay ng batang si Diana dahil sa matangos nitong ilong at kulay asul nitong mga mata na parang isang napakakintab na asul na diyamante. Ang napakaputing balat nito na kasing puti ng nyebe. Ang napakapula nitong labi na kasing pula ng dugo na pagngumiti'y nawawala ng bahadya ang iniinda nilang mga sakit. Buhok na kasing itim ng gabi ngunit pagnasinagan ng araw ay nagiiba ang kulay at nagiging napakaningning na kulay tanso.
Tatlong taon na ang nakalipas at tatlong taon na din si Diana. Usap-usapan sa lugar ang paglitaw ng maladimonyong buwan dahil sa napakalaking sukat nito na tanaw hanggang sa malayo at ang kulay nitong napakapula na animoy dugo sa kalangitan.
Isa rin na usap-usapan dito ay ang paglitaw ng mga nakakakilabot na mga nilalang tulad ng mga Vampira, Mangkukulam, Nuno at Werewolf (na kalahating tao at kalahating lobo), kaya naman maraming tao ang nagsimba sa araw na iyon, naghahangad ang bawat isa ng proteksyon na galing sa nakatataas.
Sumapit na ang takip-silim, ang pagpapalit ng araw at ng buwan, hudyat na malapit ng sumapit ang dilim. Kaya ang bawat tao ay kanya-kanyang sinasara ng kanilang pintuan at bintana at sinisiguradong walang kahit sino man ang makakapasok. Ang mga bata'y binabantayan ng maigi. Nabalot ng takot ang bayan kasabay ng malakas at malamig na dala ng hanging amihan.
Ang takot ay ramdam narin sa lumang kumbento, ang mga madre at si Father Francisco ay naghanda ng taimtim na panalangin para sa mamamayan sa bayan Roosevelt. Habang si Diana ay natutulog sa isang lihim na kwarto sa ilalim ng lumang kumbento kasama si Mother Marie na siyang nagbabantay dito. Sa labas ay nagsimula ng magpakita ang napakalaking buwan na kulay pula, nabalot ng dugo ang buong lugar dahil sa sinag na dala nito na animoy sinisilaban. Ang malamig na simoy ng hangin at kaluskos na tunog ng mga puno ang nagdadala ng kilabot na pakiramdam sa gabing iyon. Na parang mabibingi ka sa katahimikang dala ng gabi.
Ngunit nabulahaw ang katahimikan sa isang nakakakilabot na sigaw na galing sa luob ng lumang kumbento.
"F-Father. F-Francisco...." Sigaw ni Mother Marie. Nang marinig ito ni Father Francisco dali-dali itong tumakbo sa kwarto."anong nangyari Mother Marie?" Gulat na tanong ni father."s-s-si Diana f-father.. Hindi na siya humihinga..." Nagulat si Father Francis ng malaman ito, ngunit napansin nito na hindi na umiilaw ang suot nitong amulet na kadalasang umiilaw tuwing gabi, ngunit ngayon hindi. Kaya agad nitong binitbit palabas "Buksan ninyo ang pinto.." Pagbukas ng pito ay agad namang lumabas si Father Francis hawak ang bata na parang hinahanap ang buwan, ngunit hindi niya ito nadatnan dahil natabunan ito ng ulap.
"Panginoon.. Tulungan mo po kami huwag ninyong hayaan na mawala ang buhay ng bata, patawarin ninyo po siya sa kayang dala-dalang kasalanan wala pa po siyang alam.." Panalangin ng pari. Ngunit hindi parin lumsbas ang buwan pumatak ang mga luha nila ngunit si father francis ay naghintay parin. At milagrong lumabas ang pulang buwan at tinamaan ang napakaputing balat ng bata at dahan-dahang umiilaw ang amulet ng bata na para bang binibigyan ng enerhiya ng pulang buwan at biglang humagikhik ang maamong mukha ng bata. At nagulat ang mga madre sa kanilang nasaksihan at soon nalaman ng pari kung anong totoong katauhan ng bata at dahil doon idiniklara nila ang aking panibagong kapanganakan.
"At iyan ang aking istorya na gusto kong balikan hindi ang kung anong meron ako ngayon."
"Ako si Diana Schultz at dito magsisimula ang aking paglalakbay bilang isang.."
Witch Spring...
BINABASA MO ANG
W ! T C H S P R I N G ( One with the night)
Fantasykapangyarihan, ito ang hinahangad ng karamihan, kapangyarihang makapagbibigay ng katanyagan o kayamanang pang walang hanggan, kapangyarihang kaya mag kontrol ng kung sino man at kapangyarihang madalas gamitin sa kasamaan. Paano kung ang kapang...