Still 'One'

4 0 0
                                    

Faith Evangelista P.O.V

      Nasa kwarto ngayon at nakahiga nanunuod ng video namin ni Cathy na kaibigan ko. Pinanuod ko yung video namin habang nagnanight swimming sa Boracay na pagmamay-ari ng tito nya.

     Di ko mapigilang mapangiti habang tinitignan ang pagkakataong nakikita ako sa camera. Para kasing ang saya saya ko. I mean mukha akong batang tuwang tuwa.

     Malapit ng matapos ang video nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumambad ang mukha ni Franzin na parang kaggaling lang umiyak. Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko.

     Bigla akong napabangon. "Anong problema?" Tanong ko habang hinahawakan ang mukha nya at pinupunasan ang luha nya.

     "Ate. S-si Eric, he just said na maghiwalay na daw kami. He also said na I-I'm not enough para sa gaya nya. Ansakit ate." Sumbong nya sakin. Mas lumakas pa ang iyak nya nung niyakap ko sya.

      "Hush.... gago sya kaya nya sinabi yun. If his really a man he must tell you that if his in the right position to say to you. Umiyak ka lang Franz." Hinihimas ko ang likod nya habang sya dahan-dahan ng kumakampante ang paghinga.

      Humiwalay sa sakin at tinignan ako. "Ate you had a relationship with someone right? Pano ka nakapagmove on?" Tanong nya habang pinupunasan ang pisngi nyang basang-basa dahil sa luha.

      "Franzin hindi ka naman siguro ganon katagal makapagmove on because according to my observation. Hindi talaga love yang nararamdaman mo sa kanya baka infatuation lang." Sagot ko sa kanya.

      "Pano mo nasabi yan ha? Bakit ikaw naranasan mo ba talagang mainlove sa isang tao ha?? Yung sinasabi mong totoong love??" Tanong nya na parang bata.

      Ngumiti ako sa kanya habang naalala ang lalaking una kong minahal. Ang lalaking first kiss ko. First heart break ko. But his not my first boyfriend.

     Well hindi naging maganda ang pakikipagrelasyon ko sa kanya. Kasi ako lang naman ang nagmahal saming dalawa e.

       Pano ko nasabi? Well saming dalawa ako lang naman ang nasaktan ng todo e. I thought i was so lucky to have him. Kasi sino ba naman ako. Kumpara kasi sa status namin mas angay sya. Kasi may isang restau na sikay kasi syang pagmamay-ari. Sa kanya lang talaga. Pinamahala sa kanya ng daddy nya.

      His perfect. His handsome, rich, kind, generous, gentleman, and he had a lot of friends. Halos lahat ng magagandang katangian nasa kanya na.

      Naging kami dahil syempre niligawan nya ko. Isang linggo lang ata at naging kami na. Magpapachossy pa ba ako? Eh andun na e. Andun na yung almost perfect guy.

     Palagi nya akong hinahatid sundo dati, palagi nya kong nireremind kumain ng maayos at wag magpalipas gutom. Naging minsan ko na rin syang sandalan nung minsang nagkaproblema ako sa parents ko na naghiwalay dahil may iba yung mama ko at bilang pahihigante ng papa ko ay naghanap din sya ng iba.

     Yun kasi ang mahirap sa magulang namin ni Franzin e. Oo nga hindi kami naghihirap sa pera tulad ng iba. Pero nahihirapan kaming kunin ang atensyon nila.

     To be honest kahit na naunang kumaliwa si mama ay isa lang talaga ang naging lalaki nya habang si papa ay madami na.

     So back to the topic.

      Tumagal kami ni Dave ng 8 months pero sa panahong yun ako lang ang nahulog. Oo nga maalaga at maaalahanin sya. Sinasabi nya rin na masaya syang kasama ako at nasabi nya na rin sakin na mahal nya ko.

     Pero habang tumatagal kasi nararamdaman kong hindi nya naman talaga ako mahal. Kasi sa simpleng mga bagay na pinaniniwalaan ko about love ay di ko nakikita sa gawa nya.

      Mas ok sa kanya na kasama ko ang kaibigan ko sa tuwing nagpapasama ako sa kanya sa lugar na gusto kong puntahan. Kapag nasa sya o kaya nasa bahay nya ko ay parang magkakilala lang kami.

     Kasi palagi naming ginagawa ay nanunuod, naglalaro, gumagamit ng kanya kanya naming cellphone.

     Hindi na kami nagkikibuan minsan kapag busy sya o ako minsan kaming dalawa.

     Parang nasa una lang yung spark sa relasyon naming dalawa.

      Ng mapansin ko yun at dahil narin sa mga kabigan ko ay bigla kong iniba ang set up naming dalawa.

     Ako na ang unang nagbubukas ng topic kapag magkasama kami yung mga ginagawa nya dati ay ginagawa ko narin. Minsan nilulutuan ko sya kapag alam kong busy sya sa trabaho nya.

      Nagwork naman at bumalik yung saya. Pero talagang hindi ko maramdaman na mahal nya ko.

     Hindi ko alam kong ako ba may problema o sya. Kasi naman napakacomplicated nya minsan.

      May isang beses kasi na biglang umiba yung awra nya. Yung alam kong may problema sya.

     Kinukulit ko sya kong ano ang problema nya. Pero sinasabi nya lang na wala. Palaging wala.

      Unang beses na nangyari yun ay inintindi ko nalang pero nung pangatlong beses ay desidido akong malaman ang problemang di nya masabi-sabi sakin.

      Syempre bilang girlfriend nya gusto ko rin naman malaman yun. At gusto kong magsabi naman sya sakin. Kasi sa gunagawa nya pinapalabas nya lang na wala syang tiwala sakin. His too hard to read and his too complicated sometimes.

     Ramdam ko naman na hindi nya ko niloloko. Kasi syempre babae ako.
Mararamdaman ko rin naman kong may iba sya.

     Tumagal ng tatlong araw ang pagsuyo ko sa kanya para lang sabihin nya sakin ang problema.

      Pero wala talaga syang sinabing kahit na ano. Kaya narealize kong hindi nya ba ko pinagkakatiwalaan?

      Tinatanong ko sya pero sinasabi nya lang 'i trust you' 'i love you' 'wag ka ng mag-alala' paulit-ulit nyang sinasabi anh katagang yun para lang di ko na sya kulitin.

      Simula nun ay parang naging cold narin ako sa kanya. Dahil sa mga taing sa isip ko. Hindi ba enough yung effort ko para ang sabihin nya sakin yun.

      Nasasaktan ako. Sobra. Dahil kahit sa ganong kaliit na bagay at di nya ko kayang pagkatiwalaan. Siguro malaki yung problemang yang yun. Pero wala ba talaga akong karapatan at wala din ba ako sa lugar para malaman yun.

     Para sa katulad kong babaeng di mapagkatiwalaan ng sariling boyfriend nya. Di ka ba masasaktan? Hindi ka ba mawawalan ng gana sa relasyong ganon?

Still "same old feelings"Where stories live. Discover now