Prologue

100 2 0
                                    

"Hey ugly girl." Napatingin si Zeria sa likuran niya at nakita ang kaklase niyang lalaki na hindi niya matandaan kung anong pangalan. Ito iyong batang lalaki na palaging sinusundan ng mga kaklase niyang babae tuwing recess at lunch break.

Maputi ito at mestiso. Medyo mahaba ang buhok, may matangos na ilong at makinis ang balat halatang galing ito sa mayamang pamilya.

"Come here."

Napatingin sa kanya ang mga kaklase niya dahil sa pagtawag nito. Hindi siya umimik at hindi rin pinansin ang pagtawag nito. Kinuha niya ang notebook sa bag niya at nilagay ito sa mesa. Kailangan niya pang mag-aral para makahabol sa lesson nila. Nasa gitnang bahagi kasi ng school year siya nilipat ng mama niya dito sa school na ito malapit sa nilipatan nilang bahay. Hindi sila mayaman pero pinili ng mama niyang ipasok siya sa pribadong school na ito dahil lang malapit ito sa kanila.

Narinig niya ang boses ng kaklase sa likuran pero hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nito. Kinuha niya ang paboritong ballpen sa bag na may nakadikit sa dulo na isang figure ng paborito niyang anime charater.

"Ano 'to?"

Nagulat siya nang biglang kunin ng batang lalaki ang ballpen niya at tinitigan ito ng mabuti. Tumayo siya agad at sumunod dito nang nagsimula itong maglakad sa harap.

"Ang cheap naman, it's so obvious you came from a poor family. May gumagamit pa pala ng nito?" Pang-iinsulto nito sabay tawa. Nakisabay pa ang mga kaklase nila dito.

"Akin na yan." Matigas niyang sabi. Tahimik lang siya dito sa classroom. Wala rin siyang kaibigan dahil lahat sila magkakilala na pero bakit siya ang napili nitongg i-bully. Hindi naman niya ito kilala at lalo ng hindi pa sila nag-uusap.

"Dapat dito tinatapon. Mukhang luma na nga oh? Ginagamit mo pa." Winagayway nito ang ballpen niya sa harap ng mga kaklase nila na panay tawa dahil sa ginawa niya.

Kung ibang ballpen pa siguro ang gamit niya ay hindi na niya kukunin pa dito pero paborito niya ito dahil bigay sa kanya ng papa niya noong birthday niya.

"Ibalik mo sabi sakin yan." Pero imbes na ibalik sa kanya ay umiling ito at napangisi. Lumabas ang dimple nito sa kaliwang pisngi, hindi mahahalata sa ditong masama ang ugali nito dahil sa amo ng mukha.

"Nope.. Bawal ang mga lumang gamit dito sa classroom so I'll get rid of this."

And that was the first time she felt hatred for that person. Hanggang sa araw-araw na siyang iniinis nito hanggang sa umabot sa puntong umiyak siya dahil lang sa pambubully nito. Gusto niyang magsumbong sa mama niya pero alam niyang busy ito sa trabaho at ayaw niyang maistorbo ito dahil lang sa maliit na dahilan niya.

"Ugly and still an otaku Zeria? Hindi ka parin nagbago. And still.. No friends huh?" Ngisi nito sabay akbay sa babaeng kasama.

High school. Ang akala niya ay magiging payapa na ang buhay niya pag-graduate niya ng elementary. Pero tila bumabalik na naman sa umpisa ang lahat. Lahat ng masasakit na salita na sinabi nito mula elementary ay bumalik sa alaala niya.

The school is not as popular as the other school pero bakit ito nandito? He's freakin rich kaya sigurado namang makakapasok ito sa isang sikat na university pero pinili nitong pumasok dito sa semi-private na eskwelahan. Lahat ng excitement na nafefeel niya ay parang naglaho.

She wants to have friends. She badly want that, pero dahil kay Xyrill iniiwasan siya ng mga kaklase. Xyrill is really popular inspite his attitude. He came from a rich family and his looks is very deceiving but it will not affect her kahit pa ito na lang ang tanging lalaking natitira sa mundo ay hindi niya papatulan ito.

"Stop pestering me already Donovan. High school na tayo pero pang elementary parin yang utak mo."

She learned to defend herself simula nang umabot sa puntong punong-puno na talaga siya. She had enough of his stupid games. Okay lang kahit wala siyang kaibigan basta ba't lubayan na siya ng lalaking 'to na hindi yata nagsasawang inisin siya araw-araw.

"Woah.. Kaya mo palang mag-salita? I can't believe ngayon mo lang ginawa yan! I'm sorry babe but I'm not a kid anymore. I used to play around before but this time it's different."

He wink at her and kiss the cheeks of the girl beside him bago siya nilampasan. Napakuyom ang kamao niya sa inis. Why does it have to be her? Wala naman siyang naalalang nagawang kasalanan dito pero parang hindi ito mabubuhay nang hindi siya ginagalit.

She just want that Xyrill Ash Donovan to leave her aone!

**

"Fuck. That girl is killing me."

Tumingin siya sa harap at nakitang nakaupo si Xyrill sa upuang nasa harap niya. Itinaas niya ang librong hawak at iniwasang magtagpo ang mga mata nila.

They are already third years pero parang wala ibang ginawa si Xyrill kundi magpalit-palit ng girlfriend. She just wonder kung sino na naman ang babae nito. Pero kahit pa na sabihin nito ay wala siyang pakialam.

"Hey ugly.. Bat mo tinatago yang mukha mo hindi ka naman maganda."

Hindi niya pinansin ang mga sinabi nito dahil alam niyang kapag pinatulan niya ito ay mas lalo lang itong mang-iinis sa kanya.

"Loving you.. The hell? Tuturuan ka lang lumandi ng libro na yan, pero kahit naman na anong gawin mo walang magkakagusto sayo."

Binaba niya ang libro at nagtaas ng kilay dito. Nawawala na naman ang pasensiya niya. Kahit na sa maliit na bagay na ginagawa niya ay iniinsulto nito.

"Pwede ba Donovan tantanan mo na ako.. May girlfriend ka na diba? Bakit kaya di siya ang inisin mo araw-araw?"

"She already had enough.. Oops nope not that but she's already addicted to me kaya nakakasawa na."

Inirapan niya ang kausap dahil sa sinabi nito.

"Nakakadiri ka. Ang bata mo pa pero kung sino-sino na agad ang pinapatulan mo. Makabuntis ka sana."

"There is a thing called condom Zeria if you are not informed about that."

Namula ang mukha niya dahil sa biglaang sinabi nito. Marahil ay napansin nito ang pamumula ng mukha niya dahil natigilan ito.

"T-Tumahimik ka nga! Ang laswa ng mga sinasabi mo."

Tumaas ang gilid lang labi nito at lumabas ang biloy sa pisngi.

"That's the first time I saw you blushing. Should I talk to you more about that hmm?"

Nanlaki ang mata niya a kaya lalo itong napangisi.

"I really love to see you suffer Zeria.. No one can make you feel that way beside me.. It's only me Zeria. Only me."



Author's note:

I don't know if I will start this story right away kasi may pending pa akong story sa kabila. In-update ko lang kasi pumasok bigla sa utak ko eh haha. But I'll try my best kahit na ang bagal ko talagang mag update. Follow me for more update if you want to continue reading my stories.

Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Possessive BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon