W H E N Y O U ' R E G O N E

26 7 49
                                    


[ When You're Gone - lukyunghanxxx ]

• Plagiarism is Crime! •


Sana naman ito na ang huli.. ang huling beses na mararamdaman ko 'to... ” - Daniella Lajaro

×××××

Daniella Lajaro

Na'ndito na naman ako, naka-upo sa may bench dito sa park habang pinapanood ang mga taong dinadaan-daanan lang ako. May mga batang masasayang naglalaro, may mga magkasintahan, at may mga magbabarkada. Nakaka-miss pala yung dati 'no?

Kahit na anong gawin ko, gustuhin ko mang ibalik yung mga panahong kasama pa kita, noong narito ka pa sa tabi ko, noong tayo pa, hindi na pwede, kasi nakaraan na 'yon eh. Nangyari na.

Pero sana hindi na lang nangyari.

Pinangako mo sa akin noon na hindi mo ako hahayaang malungkot, hindi mo ako papa-iyakin, hindi mo ako sasaktan, at lalong-lalo na, hindi mo ako iiwan. Pero anong ginawa mo? Hindi mo tinupad ang lahat ng 'yon. Nagsinungaling ka.

Kahit kailan, sinungaling ka talaga.

Naaalala mo pa ba kung paano kita sinagot? Dito din 'yon, dito mismo sa park na 'to. Naka-upo tayo sa upuan, dito sa mismong inuupuan ko. Siguro hindi mo na naaalala 'yon, kaya hayaan mo akong ipaalala sa'yo ang lahat.

- Flashback -

“Ayos ka lang ba talaga Justine? Bakit mo naman kasi ginawa 'yon? Napa-away ka pa tuloy! ” Galit pero may pag-aalalang sabi ko.

Nakaka-awa ang itsura ni Justine ngayon, puro pasa ang mukha n'ya, halatang binugbog..

“Kung hindi ko ginawa 'yon baka kung ano nang ginawa sa'yo ng mga lokong 'yon. ” sabi ni Justine kaya napayuko na lang ako.

Ako na naman.. ako naman lagi ang dahilan eh. Napa-angat ang tingin ko ng hawakan n'ya ang baba ko at unti-unti itong inangat para matingnan ko s'ya.

“H'wag ka ng magalit, ayos naman ako. Atsaka h'wag ka na ding mag-alala, gwapo pa din naman ako. ” sabi n'ya bago kumindat kaya natawa na lang ako.

Kahit na medyo pikit na yung kaliwang mata n'ya, putok na ang labi n'ya, may pasa sa pisngi n'ya, may cut s'ya sa kilay n'ya, nagagawa n'ya pa ding magbiro.

“Baliw ka talaga. ” sabi ko bago ko hinampas ng mahina ang balikat n'ya dahilan para mapa-aww s'ya.

“Sorry! Hindi ko sinasadya! ” sabi ko at tarantang hinawakan ang braso n'ya.

“No, it's okay. ” sabi n'ya bago ngumiti pero nauwi lang din sa ngiwi yung ngiti n'ya dahil napa-ouch s'ya ng kumirot ang labi n'ya.

“I love you. ” namula naman agad ang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi n'ya. Bakit ba s'ya gan'yan? Ang sweet n'ya masyado. Niyakap ko s'ya bago bumulong.

“I love you too. Sinasagot na kita Justine, sana h'wag mo na ulit uulitin yung ginawa mo kanina.. ” humiwalay ako sa yakap. May tumulong isang butil ng luha sa kaliwang mata ko kaya agad ko itong pinahid.

When You're Gone (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon