*LAICE VELA MONTEVERDE POV
Alaaaarm! Alaaaaarm!
Ayun! nag-alarm na si Mr. Clock. Kahit kelan talaga kontrabida yan sa buhay ko. Tuwing naririnig ko kasi siya na nagsisisigaw parang nagsisi tuloy ako na tinanggap ko yang pink na alarm clock na yan! Haist!
Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Vela---"
"Eto naaaa! Babangon na ate! pero.. pwede 5mins. pa?" - antok na sabi ko
"Vela bangon na sabi! - si ate na nauubusan na ng pasensya
Minulat ko ang isa kong mata at nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kama ko.
"Oo eto naaaa! Taeng-tae lang ate?" sabi ko na walang kabuhay-buhay sabay bangon at-----
Boogsh!
Tama! nahulog lang naman ako.. antok pa kasi ako eh! haha!
"A-Aray!" kita kong nagulat si ate at dali-dali akong tinulungan na makatayo
"Ano ka bang bata ka! Napaka-clumsy mo talaga! masakit ba? Halika.. tayo na!" --sabay alalay sa'kin.
"Hindi.. masarap nga eh! Uulitin ko nga sana eh.."
Ate talaga! Kaya nga "ARAY!" diba? kasi masakit tapos magtatanong pa kung masakit? Ay masarap! Pssh!
At ayun! naligo na ako at syempre nagbihis, nag-ayos at kumain.
Grabe! Ang sakiiit ng pagkakabagsak ko kanina.
Inayos ko na ang bag ko at nagpaalam na ako sa madaldal kong ate tapos nag-abang ng bus. Mga 30 minutes rin ang layo ng school namin mula sa bahay.
Oh! heto na ang bus at siksikan naman agad ang mga tao na para bang ito lang ang bus sa planet earth!
Basta tirhan nyo ko ng upuan diyan ha? Yung sa bandang bintana lang..haha!
Ang sarap lang isigaw niyan eh! May kotse naman kami pero mas kailangan nga lang ni ate kasi gabi na yun kung umuwi. Sa callcenter kasi nagtatrabaho yun. Isa syang Team Leader/Supervisor.
Heto at nakaakyat na ako sa bus. Thank GOD may pwesto pa sa gilid ng bintana. Yesss! pagkaupong-pagkaupo ko, kuha ng isa kong phone sa bag sabay salampak ng headset sa tenga.
Oh, oh
Mhm
Oh, oh
Yeah yeah
Oh, oh
OooohTwo o'clock and I wish that I was sleeping
You're in my head like a song on the radio
All I know is I gotta get next to you
Yeah I gotta get next to you
Sitting here turning minutes in the hours
To find the nerve just to call you on the telephone
Cuz you don't know that I gotta get next to youMaybe we're friends, maybe we're more
Maybe it's just my imagination
But I see you stare just a little too long
And it makes me start to wonder
So baby, call me crazy
But I know you feel it to
Maybe I, maybe I, just gotta get next to youHindi ko alam kong nakailang ulit kong napakinggan yong song na'to bago ako nakarating ng school.
Ganon ako eh! Pag favorite song ko hindi ako nagsasawang ulit-ulitin.Sa school...
First day of school at kanina pa ako nag-aantay kay Beshie! Sooobrang tagal talaga kumilos nong babaeng yun. Kanina pa ako nakaupo dito sa gym dahil dito daw dederetso kasi dito daw magbibigay ng announcement. Kokonti pa lang naman yung students na nandito pero kasi ang usapan namin ni beshie eh maaga pa kami dito sa school. Akalain mo nga namang ang aga nga... ANG AGA KO! Tss! Nasa 3rd year college na kami at ang kursong kinukuha namin ay Business Administration. Eh sa business minded kami ng beshie ko eh, bakit ba? Tuwing first day of school na lang laging deretso muna sa gym bago pumunta sa first subject kasi mag-aannounce ng ganito ganyan. Mga pauso talaga nitong school namin, paulit-ulit lang naman sinasabi. Edi sana mga first year at transferees na lang nandito.