Nakakakilabot talaga Ito
Sana Po MagustuHan Nyo!
Salamat :)
"kwentong aswang"
noong bata pa ako, marami na akong naririnig ng kwento tungkol sa mga aswang at maligno,
ewan ko pero tlgang lumaki ako na may paniniwala sa asawang at maging ako ay nag karoon ng
karanasan na makasalamuha at makakita ng aswang, noon nararamdaman ko lang na mayroon
aswang sa paligid, lagi silang lumalapit kapag ang bahay ay maroon may sakit o malubhang
karamdaman, maririnig mo na lang na prang may kung anung dumadaing sa gilid ng bahay o di
kaya may hayop na kakaiba ang huni tulad ng baboy na humihinga sa labas ng bakuran mo, kahit
alam mo na walang nag aalaga ng baboy sa mga kapitbahay mo, noong bata pa ako, nakakita ako
ng mga pulang mata sa taas ng punong mangga sa gilid ng bahay namin, may sakit ako noon at
napakataas ng lagnat ko, ng sabihin ko sa nanay ko ang nakita ko agad na nagsaboy ang nanay
ko ng asin at minura nya sinabi nya pang kilala kita, at biglang narinig ko ang malakas ng ingay na
parang pinunit na maong, at ingay ng dahon ng mangga, sabi ni nanay pag lipas ng ilang sandali,
bumaba na ang lagnat ko. kakatwa diba,
sabi ng lola, may dalwang uri daw ng aswang . yung lakad at yung lipad, yung lakad sila yung nasa
mga silong ng bahay at gilid gilid ng eskinita, at yung lipad naman ay yung nasa mga bubong ng
bahay, sabi nila kapag naunahan mo ng tingin ang aswang makikita mo sila ngunit kapag kumurap
ka bigla itong mawawala, college yrs ko ng umuwi ako ng late galing sa gimik mga 2am na yun,
ang
nanay ko pala ay may sakit pero sya pa rin ang nagbukas ng pinto, at sa sofa na lang sa sala ako
nahiga sa tapat ng kwarto ng ina ko, nang bigla akong maalimpungatan na may nakatayo sa harap
ng kwarto ng nanay ko, nagulat ako hindi ako makakilos, para akong nabangungot, nakita ko ang
aswang sa harap ko sumisigaw ako pero wlang lumalabas na tinig sa aking bibig, hanggang pinilit
ko ihulog sa sofa ang katawan ko at bigla syang nawala, kilala ko ang aleng nakatayo sa harap ko,
ang pula ng mata nya na parang may eyebag na maitim sing itim ng uling, kilala ko sya kse tropa
ko ang apo nya, at ang damit na suot nya ang madalas nyang suot, patok na aswang sya sa aming
magkakamag anak kse pamilya namin ang una sa lugar namin at kilala namin lahat ng mga
dumadating na tao, at nakita na rin sya ng tyahin ko, nag anyong aso sya madalas pero ang
tsinelas yun pa rin, makapangyarihan ang aleng iyon, batiin ka lang niya sasakit ang tyan mo,
minsan nagkagulo ang mga tambay na adiktus sa aming lugar, may aswang daw,. aso" daw pero
napalo daw ni dongsy sa likod malaks daw ang pagkakapalo nya, ang aswang kasi kung papatayin
mo daw sa likod mo dapat tirahin dun sa lugar na hindi maaabot ng dila nya kse kapag nalwayan
nya iyon gagaling daw, iyon daw kse ang healing powers nila, ang matandang iyon ay nagkasakit
ng malubha at hindi na nakabangon, so positive diba sya ang aswang...
pero sabi nila mamatay lang ang isang aswang kapag may napagpasahan na siya ng kanyang
pagiging aswang
Baka Sya Ang TROPA ko Na Si... Paolaw.
Kse Kapag GABI lang Sya Lumalabas. at Nahuli Ko Rin Sya Na Umatake Ng Isang Babae Na Tinangka Syang Tyardorin Dahil Alam Nung Babae Na Isang Aswang Ang Kanyang Kasama..
at PINAPATAY nya Lahat ng Mga Nakakasalubong Nya Tuwing Gabi. :'
PAGPAPATULOY -- :''