PROLOGUE

961 25 10
                                    

Ako si Alex, isang magandang dilag na nagmula sa probinsya na nabigyan ng bonggang chance na mag-aral ng college sa isang bonggang university dito sa Maynila---at NBSB. No Boyfriend Since Birth ako, wala pa kase yan sa utak ko. Base kase sa mga nababasa ko sa wattpad, sa mga novels, at sa mga naririnig at nakikita ko sa TV, pasakit lang sa buhay ang lovelife lovelife na yan. Yung tipong magmamahal ka, yung tipong parang napakagandang panaginip lang ang lahat, na ayaw mo nang magising dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman mo, pero sa isang iglap lang, bigla na lang nasaktan ka na, mag-eemote, iiyak, di kakain, minsan nga maglalaslas. Naku? ayokong maranasan ang mga ganyan. Ewan ko ba? basta ayoko munang pumasok sa mga ganyan. Priority ko muna ang pamilya ko. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para naman makakuha ako ng magandang trabaho, at matulungan ko ang pamilya ko sa probinsya. Ganun din naman siguro ang gagawin ng lahat ng anak di ba?

Pero paano kung may makilala ako na makapagpabago sa pananaw ko sa love? Pano kung isang araw, magising na lang ako na mahal na mahal ko na sya? Pero hindi pwede..


Dahil hindi kami magkatulad?

Dahil isa syang..


CHIHUAHUA :o

In Loved With a ChihuahuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon