BUNGAD
Kulture's POV
"Ano nga ba 'yung sasabihin mo?" nakangiting tanong ko sa matalik kong kaibigang si Samuel matapos ko binaba ang telepono at humarap sa kanya ng maayos. Nakatuon lamang siya sa pagmamaneho niya pero ramdam kong may hindi normal sa kanya kanina pa lang. Batid ko na may kaba sa mga kinikilos niya. Kasalukuyan ay nasa kotse kami at hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.
Kanina lamang ay minamadali niya akong pumasok sa kotse niya dahil may importante daw siyang sasabihin sa'kin. Ako'y sumulyap sa kanya at tumanaw sa daanan at muling tumingin sa kanya ng ilang mga segundo. Nawala lamang ang paningin ko sa kanya nang pahintuin niya ang kotse at humarap ako sa kung saang paradahan kami huminto.
Nang pagmasdan ko ang kabuuan ng lugar ay nag-iba ang aking pakiramdam at nawala ang kaninang mga ngiti sa aking labi. Humarap ako sa kanya, ang isip ko'y nagtatanong kung bakit niya ako dinala dito.
Naalis ang pag-iisip ko nang bigla siyang bumaba at pinagbuksan ako sa kabilang pintuan ng kotse kung saan ako nakaupo. Hinawakan niya ang isa kong kamay at madiin itong hinaplos."I'm very sorry." sabi niya, matapos sumulyap sa'kin at ngayo'y nakayuko't hawak ang aking kamay.
"Anon'g sorry?" kunot-noong tugon ko kay Samuel.
"Halika muna." sabi niya't inaalalayan ako palabas ng kotse. Nagtaas ako ng tingin."I mean, I'm very very sorry....in advance." dagdag niya.
"Oo nga, narinig ko." sabi ko. Kanina pa ako nagtataka sa mga kinikilos niyang kakaiba , tinignan ko siya sa mata sapagkat nag-iiwas siya ng tingin kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "Ano ba, sabihin mo na kaya at.." nilibot ko ang mata ko sa lugar at muling humarap sa kanya. "...anong ginagawa natin dito, ba't mo'ko dito dinala? kanina ka pa nagso-sorry diyan, hindi kita maintindihan."
"I'm very sorry kasi..."
"Kasi ano nga yu-"
hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya ako't HAGKAN
Nang dahil sa gulat ko, ni hindi ko magawang umiwas ay natanggap ng aking labi ang kanyang halik. Wala pang dalawang segundo'y tinulak ko siya kaya'y bahagyang siyang napaatras. Gayunpama'y uli niya akong kinuha't sunggaban niya't pakiramdam ko ay wala na akong magawa sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung anong dapat kung maramdaman, hindi ko alam kung ano'ng dapat kung gawin. Gustuhin ko mang ialis siya, mahihirapan akong makawala .Natinag ako. "I want to do this now , Kult." ungol niya habang hawak ang aking mga pisngi. Hinampas hampas ko siya sa magkabilang gilid sapagkat mas diniinan niya pa ang paghalik sa mga labi ko.
fuck
dapat ka talagang mag-sorry, dahil hindi to pwede.
Nang maramdaman niya ang panghihina ko ay ngumisi siya.
Nilakasan ko ang pagtulak sa katawan niya't napabitiw siya sa'kin. Akma pa siyang lalapit ulit ngunit pinigilan ko na siya."Samuel, please, tama na..." naghahabol ng hiningang pigil ko sa kanya . "Ano bang ginagawa natin dito ha, Samuel? ba't nandito tayo sa property ni Louis?" dagdag ko.
"Kult, please. Give me a chance, ipaparamdam ko lahat ng masasayang bagay sa'yo, maging akin ka lang." sabi niya na muling hinila ako palapit sa kanya. Linapit niya ako't hinalikan ulit, pero pumalag ako.
"Aba'y gago ka ah! sabing tama na!" sigaw ko sa mismong mukha niya. Naguguluhan parin ako.
"Ano bang problema ha, Kult? May masama ba sa ginagawa natin?" mahinahong sabi niya.
"MERON!" sigaw ko uli. "At bakit dito? talagang dinala mo ako dito para halikan, 'yun ba?" dagdag ko.
"Kult, walang masama.." Nilapit niya ako sa kanya't hinawakan muli ang dalawang kong kamay at hinalikan sa pisngi."Walang masama, Kult. Walang masama dahil matagal ka ng malaya kay Louis."
Nanlumo ako sa sinabi niya, hindi ako sumagot at nagbaba ng tingin. Hindi ko parin makita ang dahilan kung bakit sa lahat ng lugar ay dito pa? Nababaliw na siya.
"Mahirap ba , Kult? mahirap bang palayain 'yang puso mo sa kanya't hindi mo ako matanggap?"
ɔɐu ı ɥǝɐl ʇɥǝ ʍonups ɯʎsǝlɟ
can i heal the wounds myself
IV
