"Rhea's Pov"
Naglalakad ako ngayon sa isang highway hindi ko masabi kong gabi na ba o madaling araw.
Ang mga puno ay nawasak na at may mga sunog pa.
Ang ibang mga bahay ay nasira na at tila ba pag nadikit mo lang ang kamay mo ay magiging abo na ito.
Hindi ko alam kung asan na ang mga tao, ako nalang ang narito.
Tiniignan ko ang sarili ko at ngayon ko lang nalaman na marami na akong mga galos at sugat , ang damit ko ay nagka butas butas na at ang pantalon ko ay nag mintula ng rip jeans sa sira.
Kahit na may mga sugat ako ay wala akong nararamdaman na sakit o hapdi man .Habang patuloy ako sa pag lalakad ay may nakita akong tao na sumisigaw ng tulong.
Patakbo ko syang nilapitan.At tutulungan dapat sya ngunit na bigla nalamang Ako ng biglang nanlaki ang mga mata niya na tila ba natatakot at sumigaw .
"Halimaw" bigla akong napahakbang sa likod .
"Halimaw"
Halimaw
Halimaw
Naalala kona kung bakit naging ganito ang paligid ako pala ang sumira at nagwasak nito.
Nalagay ko ang dalawa kong kamay dahil sa takot.At bigla akong natumba.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Napabangon ako agad dahil sa napanaginipan ko .
Hanggang ngayon bumabalik parin ang mga masasamang alaala na hindi ko makalimotan kahit hindi ko na to isipin pa.Napahagolhol nalang ako.
YOU ARE READING
She's Weird but Cool
RandomIsang storya ng isang babaeng hindi maintindihan ng mga tao.Mabuti ba siya o masama.