Cyriel's POV
Hayst ano ba yan Linggo na eh bakit pa kasi ako sinama ng babaeng to dito? Pa salamat lng talaga siya dahil kapatid ko siya. Hayyst isip bata talaga tong si Yllone eh, sana talaga tinawagan ko nalang si Micheal para siya nalang ang sumama sa bubwit nato.
"Ano bayan Yllone kanina pa tayo ikot ng ikot dito, malaki na tayo para sa mga ganito eh."
"Alam mo kung gusto mong umuwi umalis kana hindi kita pipigilan, pero sisiguraduhin kong malalaman talaga ni Ayumi mga sekreto mo."
Dammit! Langyang babaeng toh? Kapatid ko bah talaga siya? An layu kasi nung attitude namin sa isa't isa eh. Hmmmm. Ano kayang mas maganda ng gawin?
Option 1: Umuwi nalang at magpahinga at kung sabihin niya Kay Ayumi ang sekreto ko na inlove ako sa kaniya, Baka lumayo si Ayumi sakin at hindi na ako papansinin!! (Uyyy wag naman sana)..
Option 2: Samahan nalang ang kapatid ko baliw dito sa amusement park hanggang sa horror house tapos iwan siya run mag isa ang manang umuwi.
Hmmmmmm... Pwede rin kaso potcha naman eh Baka gawin niya yung sa option 1.Option 3: Samahan nalang siya hanggang sa matapos ang lahat upang wala nang sumbong2 na yan.
Hayyysttt I guess option 3 is the only safe choice I have.
"Hooy!"
"AY POTCHA! Nu ba yan Yllone papatayin mo bah ako sa gulat!?"
"Kasi naman eh an lalim nung iniisip mo. Hahahaha alam ko yan tungkol kay Ayumi yan noh?"
Hayyyst baliw talaga tong babaeng toh, pero tama siya hahaha.
"Oh sya sya, tara na sa."
"Saan?"
"Uuwi.. Tanga malamang sa horror house na yun ikaw nga yung gustong gusto pumunta dun tapos kakalimutan mo?"
"Tsk tara na nga."
Hahahaha sarap talagang mapikon ni Yllone. At yun na nga natuloy yung endless roaming namin dalawa sa theme park nato. San ba kasi yung taenang horror house nayun?
"Magtanong kaya tayo? Wala kasi akong tiwala sayo eh."
"Alam mo grave ka talaga sakin.. Isa pa at susuntukin na kita."
Geeeez nakakatakot. Hayyst nu ba yan. Pagtalaga kami mawala dito uuwi na ako.
Pagkalipas nang 10 minutong palalakad sa wakas nakarating na rin kami. Hayst bakit ba kasi pina layo layo pa ang horror house nato? Sakit tuloy nung paa ko.
"Cy tara bili tayo ticket."
"Ayokong pumasok sakit nung paa ko." reklamo ko sa kaniya sakit na talaga e.
"Matanda kana kasi e. Bilisan mo na't tumayo na o baka gusto mo ako mismo magpapatayo sayo?" may masamang balak toh. Sa mukha niya palang alam ko na.
"Oo na tatayo na." At yun na nga ako ay isang lalaki na may baliw na kapatid na babae, at kahit labag sakin kailangan ko siyang sundin dahil baka mga sekreto ko ay mabubunyag nang wala sa oras. Tumayo na ako at sumama sa kaniya papuntang ticket booth.
"Dalawang ticket nga po. Isa para sakin at sa baklang kasama ko."
"Ikaw ha! Sumusobra ka na talaga eh. Kanina kapa."
"Hahaha I'm just joking stop being so serious." Tsk ako bakla? Ang itsurang toh? *turo sa mukha* bakla?
"Tsk tara na nga." inis kong sabi sa kaniya sabay hablot nung ticket sa kaniyamg kamay.
"Please enjoy!!" nakangiting sabi nung ticket lady. Futs pano ako mag eenjoy nito kung tong kapatid ko ang kasama ko?
At yun na nga pumasok na kami. Hayyst am boring naman ni wala man lang naglalakas loob na gugulat samin. Tsk buti sana kung nandito si annabelle sigurado----- *Boogsssh*
YOU ARE READING
Detective University: Journey Of A Highschool Detective
Mystery / ThrillerLet's Solve Mysteries Together Inspired by the Anime Series Detective Conan