Chapter Seven

69 4 0
                                    

"Hala may chinito." I heard Maya said habang nakikinig ng preaching sa church.

I automatically looked at her para tumahimik at ibalik ang attention sa preaching. It was Sis Raquel who was sharing the word of God with the same series na True Love Waits.

Talaga itong si Maya. Dapat nakikinig ito eh. Para sa kanya nga 'yong preaching dapat eh.

"Huy, Maya. Makinig ka nga. Kilig ka nanaman diyan ah." saway ni Rose sa kanya.

"Ang cute eh." muli pa niyang nilingon sa bandang likod ang chinito na tinutukoy niya.

"Girls, dapat high standards tayo para kay Lord. Listen muna." sabi ko pero nate-tempt na rin akong lumingon para i-check ang chinito na iyon. Kainis eh, distraction sa alaga ko eh. But then I decided not to and nag focus na lang ako hanggang matapos ang pagtuturo ni Sis Raquel.

"God makes you wait to mold your character. Para bago ka makarating sa true love mo, tamang tao ka na." Sis Raquel emphasized using the story of Israelites in the wilderness bago sila makapasok sa promised land.

It's a big amen!

Natapos ang preaching. Natapos ang service. Natapos ang sharing ng faith group namin. It was nice listening to their testimonies and decision to wait for their right time before entering into a relationship. Lalo na itong si Maya. I really do hope na this time, iingatan na niya ang puso niya.

"Dito pa rin yung chinito." agad na sabi ni Maya pagkatapos namin mag closing prayer sa faith group.

Nakitingin na rin ang iba. Na parang yung mga mukha nila natuwa sa nakita nila.

Sa inis ko, nilingon ko na ang direction na tinitingnan ni Maya.

Napataas yata ang kilay ko nang makita ko ang chinito na sinasabi niya. There he was. Wearing a black 'Team Jesus' shirt na lalong nagpatingkad ng maputi niyang balat. Well to describe him honestly, maamo talaga ang mukha niya. At minsan kahit hindi siya nagsasalita, parang ang gaan ng aura niya. You know? That kind of guy na hindi naman sobrang gwapo pero kasi siguro dahil may Jesus sa heart, kaya ang lakas ng dating.

Nakita ko na ang mukhang iyon. Nakita ko na ang aura na iyon.

And yes, I know this guy. That chinito matangkad maputi na si Sam Smith. Hindi ko nga rin alam kung bakit Smith siya pero chinito.

Nakikipag usap siya kina Pastor Art at Ate Raquel habang nakatayo sila near the front door of the church.

Nagulat ako nang bigla siyang lumingon. Then he smiled at me. That kind of smile na parang gustong sabihin na 'there you are'.

"You know him ate?" they asked.

"Ah.. Yes. From RiGen-Dasma siya." tatayo na ba ako? Or hihintayin ko ba na lumapit siya? Haaay. Strong talaga ako. Pero ewan ko. With this guy, it seems that I'm out of my league. Or hindi lang talaga ako sanay na may nakikilalang guy na hindi ko pa naituturing na brother like the guys here in RiGen-LP.

So I decided to stand up. "Wait lang girls."

I headed toward them.

"Hi." I managed to say.

"I was telling them na you accidentally left this in may car noong isang araw." sagot ni Sam. Iniabot niya sa akin ang envelop ko.

"Salamat." grabe yung relief na naramdaman ko the moment na nahawakan ko yung envelop ko. "Wala kayong service?"

"Meron. Pero 4pm pa." he answered naman.

"Oh, I didnt know." hawak hawak ko lang 'yong envelop ko.

"Maiwan muna namin kayo ha." hinila na ni Ate Raquel si Pastor Art palabas ng pinto.

So we were left there standing. Speechless. Iiiwas ko sana ang mata ko pero automatic yata na tinagpo rin ang mga mata niyang singkit.

"So that's it?"

"Anong that's it?" but why the sudden change of heartbeat? Parang kumabog eh.

"That's it. Napulot ko yung envelop mo. I made an effort to bring it back to you. And that's what I get." tinaas din niya ang kilay niya.

"Nagpasalamat na ako ah."

He just chuckled a bit. "No jolly spaghetti - thank you?"

Is he asking me out? "No." parang gusto ko na rin matawa dahil hindi ko naiintindihan ang dapat na maramdaman ko.

"No?"

"Yes-"

"Yes!" nasabi ko nang biglang may mag 'yes' sa likod ko.

"Hello po, I'm Faye." kinamayan niya si Sam. Nagtawanan naman silang dalawa.

"Faye!" saway ko sa kanya.

"Nagbibiro lang eh. Ako na lang ayain mo Kuya Sam. Pakipot 'to si Doc eh."

"I'm not." saway ko ulit kay Faye. "sobrang thank you talaga, Sam. Hope makabawi din ako sayo sa pagtulong mo nung Friday and pati dito sa note ko." I honestly told Sam. Totoo naman. Na appreciate ko talaga.

"Glad to help." he smiled na rin.

"Bakit ayaw mo sumama?" tanong ni Faye sakin.

"I was just kidding anyway. Parang ang seryoso kasi ni Kara."

"Good." sabi ko.

"I should be going. Mahirap nang maipit sa traffic." paalam ni Sam.

"Bye po."

"Bye. Salamat ulit." I waved at him habang palabas na siya ng pintuan. And he waved back.

Pero pag labas niya nakunsensya ako. Oo nga naman. Jolly spaghetti lang sana nakabawi na ako sa mga naitulong niya. I dont know. There's something that's holding me back.

"Kung ako iyon ganon ka gwapo, chinito matangkad maputi, ako na magyayaya dun e." parinig ni Faye sakin.

"Nakinig ka ba talaga nung Camp?" binara ko na lang siya.

Binalikan ko ang faith group namin at tiningnan lang nila ako like they were demanding answers.

"Ikukwento ko sa Jollibee." I gave in.

So I went on lunch with the girls sa Jollibee sa Villar Sipag, malapit lang sa church and sa condo. Ang kukulit tanong nang tanong. Tuwang tuwa pa about doon sa pag help ni Sam sakin sa car at doon sa envelop. Mabuti na lang naiba ang topic nila. Since mga kabataan, nagkaintindihan sila sa mga pinagkukwentuhan nila.

Pero ako habang tusok tusok ko ang hotdog na sahog ng spaghetti ko, nakukunsensya pa rin. Guilty. It could be just a simple gesture of saying thank you anyways kaso nag No ako. Kaso kasi hindi ko pa naipag pray eh. Pray muna bago mag decide.

After ko sila ma drop off sa church, nag drive na ako pauwi. Hindi ko naman ugali na magbukas ng radio dahil usually nga puro planetshakers ang pinapakinggan ko but this time, I turned on the radio.

Whatever happened to Amelia Earhart...

"Oh Mandy Moore." sinabayan ko pa nang kaunti ang lyrics. Pero huli na nang marealize ko ang chorus nang kanta "Oh boy!"

Someday we'll know if love can love move a mountain... Someday we'll know...

"Hindi ba ako patutulugin ng kunsensya ko?"

And even as I got home, hindi pa rin ako mapakali.



Camp Three ElevenWhere stories live. Discover now