Kabanata 1: Meet Her.
Yung lagi nalang nilang nakikita yung mga pagkakamali mo, pero yung mga nagagawa mong tama parang hangin lang na dumaan sakanila.
Siguro nung pastlife ko may nagawa akong napakalaking kasalanan kaya ako ngayon ganito, naghihirap at nagdurusa.
Bakit ba ako nalang palagi yung Mali?
Aissh! Ang drama potek!
Papasok pa ako.Dumeritso na ako sa banyo at naligo.
Pagkatapos kung maligo ay Nagpalit na ako ng uniform first day of school ngayon kaya dapat ay maaga.
Pababa palang ako ay nakasalubong ko si Nanay Selya na pababa na rin sa hagdan ang itinuring kung parang tunay magulang dito sa bahay na to'
"Oh iha, Halika na muna at mag-almusal bago ka pumasok sa eskwelahan" nakangiting saad ni nanay selya kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti.
"Sige po nay, " sagot ko at inalalayan siyang bumaba baka madapa pa siya, bakit ba naman kasi ang taas ng hagdan dito sa bahay.
"Salamat iha, sige mag-almusal ka na" usal niya pagdating namin dito sa baba at dumiretso na sa kusina habang ako ay pumunta na sa dining area.
Pagkarating ko dun ay nakita kung kumakain na sila mom and dad.
"Good Morning Mom,Dad" nakangiting saad ko at hahalikan na sana sila sa pisngi ng pareho silang umiwas, :( haist.
Dumiretso nalang ako sa upuan ko
At nag-simula ng kumain Hindi ko nalang sila pinansin at dire-diretso kong isinubo ang mga pagkaing nasa plato ko, ganyan naman sila palagi eh, parang hangin lang ako sakanila.Pagkatapos ko ay umalis na ako ng Mansyon at hindi na nagpaalam at pumunta na ng school, hindi na ako nag kotse magsasayang lang ako ng gas no' mahal kaya ang gas ngayon kahit naman mayaman kami marunong naman akong mag-ipon.
Papasok palang ako sa gate ay natinginan at nagbulungan naman ang mga studyante na akala mo nakakakita ng multo.
Pumunta ako ng dean's office para kunin ang ID,Locker Key,Section ko at para mang bulabog at mang bwiset sa taong nasa loob ng Dean's Office. Haha
Hindi na ako kumatok at pabalyang binuksan ito para magulat ang nasa loob haha. At mukhang nagulat nga!. O_O
"Diyos kung bata ka! Hindi ka ba marunong kumatok?! nako! diyos ko mamatay ako ng maaga dahil sayo" inis na sigaw ni dean o i should say Tito Henry, Yes! Tito Henry dahil kapatid ni mom si tito henry at kami ang may ari ng school nato' pero pero, secret lang ah?
"Wait, lang tito highblood ka naman namiss lang kita eh" sabi ko at saka nagmano at hinalikan siya sa pisngi
Umarte pa itong nasusuka dahil sa paghalik ko, tumayo ito at pumunta sa harap ko at nameywang."Oh? Anong kailangan ng magaling kong PAMANGKIN? Aber?"
Tanong sakin niya sakin di halatang mahilig siya sa capslock no?. Siyempre mambwe-bweset muna ako bago ko sabihin ang kailangan ko.Dumiretso ako sa Mini- Fridge na nasa bandang dulo ng Office at hindi muna pinansin ang sinabi niya, kukunin ko lahat ng....akala niyo chocolate no'? Na-ah Lollipop' Oo Lollipop kukunin ko lahat ng lollipop niya sa Fridge haha tignan natin kung Hindi ka maasar at mabweset sa gagawin ko nyahahahaha.
"Oy! Oy! Oy! Anong ginagawa mo diyan? Hoi wag mo ngang pakialaman yang mga lollipop ko! Hoi sabi ng--" parang bata nitong saad habang papalapit sakin para kunin sakin ang lollipop niya, pero bago pa niya makuha ang mga lollipop niya ay Mabilis akong lumayo sa kanya at tumakbo na.Nakita ko rin ang Id at locker key ko pati na rin ang section ko sa lamesa ni Tito henry at mabilis na kinuha at nagtatakbo palabas. Nyahahaha pero bago pa ako makalayo ay narinig ko pang nag si-sigaw siya ng malakas na pati ata yung mga ibon na Nagpapahinga sa mga puno ay nagulat at nagsiliparan paalis.
BINABASA MO ANG
The Great Pretender
Teen FictionKilala siya dahil sa palangiti niyang mukha, at para bang walang dinadalang malaking problema. Allmost of her schoolmates ay hinahangaan siya dahil sa tapang nitong ipagtanggol ang mga binubully nakikita mo man siyang nakangiti at palaging masaya...