Chapter 3
ADRIAN POV
Matapos naming magpalit ng anyo isang nakakainsultong palakpak ang pinakawalan ni Jobeth para sa aming lima.
Hahahaha nagpakahirap pa kayong magpalit ng anyo eh kamatayan din naman ang kakaharapin ninyong lima sa akin.
Ah! Talaga eh di kwento mo sa may pakielam sagot ni Krystal.
Tila lalo pang iniinis ni Krystal yung kalaban namin.
Tampalasan ka sigaw nung kalaban namin pagbabayaran ninyo ng buhay ang ginawa ninyong pangaalipusta sa akin.
Aking mga alagad magsipagbangon na kayo at ng masimulan na ang piyesta hahaha.
Agad agad kaming naghiwalay para hindi kami makorner ng mga alagad ni Jobeth pero kahit nakapaghiwalay na kaming lima napalibutan pa rin kami dahil sa sobrang dami ng kanyang alagad.
Bawat isa sa aming lima at may nakapalibot na dalawampung bangkay na naghihintay lang ng utos para atakihin kami.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad akong inatake ang mga bangkay na nakapalibot sa akin.
FIRE WHEEL bigkas ko sabay wasiwas sa aking hawak na espada nakapagpalabas ako ng isang bilog na apoy na tila ba isang gulong ng sasakyan at unti unting tinupok ng apoy ang bawat isang bangkay hanggang sa maging abo ang mga ito.
Isang makabasag eardrum na sigaw ang pumailanlang ng biglang sumigaw si Krystal.
WATER NEEDLE RAIN SHOT.
Sa biglang pagsigaw ni Krystal ay bigla na lang umulan ng mga karayom na gawa sa tubig at sa sandaling oras pa lamang nakatumba na ang lahat ng nakapalibot na bangkay sa kanya.
WILL OF THE WIND bigkas naman ni James isang pananggalang na gawa sa hangin ang biglang lumukob sa mga bangkay at mabilisang pinagpira-piraso ito ng walang kaawa awa.
Sa di kalayuan bigla kong nakita si Aivee na tumalon ng napakataas sabay baon ng kanyang hawak na sandata sa lupa sabay bigkas ng GROUND SPIKE tila ba parang letsong baboy ang kinalabasan ng mga kalaban niya sa ginamit niyang kapangyarihan.
Nang mapansin ko naman si Cross na tila ba pinaglalaruan yung mga bangkay na nakapalibot sa kanya.
Cross sigaw ko sa kanya.
Bakit??? sagot sa akin ni Cross.
Wag mo nang paglaruan yang mga kalaban mo may haharapin pa tayong alagad ni Mala.
Eto na tatapusin ko na sigaw niya sa akin.
Isang mabilis na paghakbang ang ginawa ni Cross sabay bigkas ng SPATIAL SCYTHE DIVIDE isang perpektong pagputol ang nangyari sa mga bangkay na nakapalibot sa kanya.
Ang dalawampung bangkay na nakapaikot ay naging kwarentang katawan na nagkalat sa kanyang tabi.
Magaling magaling magaling bigkas ni Jobeth na tila ba nangiinsulto.
Oo! Natapos ninyo ngang lima ang aking mga alagad pero hindi ako hindi ako hindi ako.
DEADLY BREATH VIRUS sabay pakawala ni Jobeth ng kanyang kapangyarihan.
ROCK SHIELD sigaw ni Aivee isang malaking bato ang bigla na lang lumukob sa aming lima para maiwasan ang kapangyarihan ni Jobeth.
Ilang minuto din ang hinintay naming lima bago tuluyang inalis ni Aivee ang ginamit niyang ROCK SHIELD.
Pero sa di inaasahang pangyayari wala na kaming nakitang Jobeth sa aming harapan mukhang ginamit lang yata niya ang kanyang kapangyarihan para makatakas sa amin.
Sa muling pagkikita natin Jobeth hinding hindi ka na makakatakas dahil dun pa lang at wawakasan na namin kaagad ang buhay mo.
TO BE CONTINUED.....
*************************
CHAPTER 3 DONE NA ...
SIMULA PA LANG LUMABAN NA KAAGAD ANG UNANG ALAGAD NI MALA NA SI JOBETH.
SINU SINO PA KAYA ANG NATITIRANG ALAGAD NI MALA.
ABANGAN SA SUSUNOD NA KABANATA...
MIDNIGHT0019