Ayen's POV
*TAP* *TAP* * TAP*
Patuloy parin ang pag-type ko sa laptop kahit umuulan.
Hay, paano ba ako makakauwi ngayon? Mabuti nalang kaibigan ko tong may-ari ng coffee shop.
"Ayen!!!" rinig ko na sigaw sa akin ni Uncle Dave.
Siya ang may-ari ng coffee shop. Bale, nagkakilala kami nung na pansin niya na halos araw-araw akong pumunta rito simula nung malaman ko na may coffee shop malapit sa school at bahay. Madali lang lakarin. Tapos yun, inapproach niya ako at nakipagkwentuhan sa'kin. Galing diba?
"Uncle Dave!!! Kamusta kana?" ani ko na para bang it has been ages since we last met. Tumawa naman siya.
"Hahahhaha! Ayen, bakit nandito ka pa? Aba eh, ang lakas ng ulan. Kaya mo bang umuwi mag-isa?" tanong niya sa'kin. Tumango naman ako.
"Ako pa Uncle Dave. Kayang-kaya ko." sagot ko naman.
"Hay naku, ipapahatid nalang kita sa anak ko. Alex!!!" pag tawag niya sa anak niya.
Lumabas naman mula sa pinto ang isang napakagwapo na nilalang. Anak siya ni Uncle Dave? Hmmm... Gwapo naman si Uncle Dave, pero bakit naging triple naman yata ang kagwapuhan ng anak niya kaysa sa kanya? Sorry Uncle Dave.
"Miss, sa tingin ko masamang titigan ang taong bago mo palang nakilala." Biglang nagsalita ang lalake sa harapan ko, ang dahilan kong bakit bumalik ako sa realidad.
"A-ah sorry..." tugon ko at yumuko ng kaunti. Baka makita niya yung mukha kong pulang-pula na. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa ni Uncle Dave.
"Hahaha, mga bata talaga. Oh anak, Ito si Ayen, Ayen ito si Alex anak ko. Magkamukha kami noh?" biro niya. Tumawa naman ng bahagya ang anak niya.
"Anyways, Hi I'm Alex Domingo. Nice meeting you Ms. Ayen? " pagputol niya sa sinabi niya ng napagtantong hindi niya alam ang ang apelyido ko.
"Cuenca. Ayen Cuenca ang pangalan ko. Nice meeting you too." Tapos inabot niya yung kamay niya at tinanggap ko naman. Graveh, ang lambot ng kamay niya. Tinignan ko yung mata niya at nakatitig din pala siya sa akin. Ngumiti siya at sinuklian ko rin.
"Hep. Taman na yan." sita ni Uncle Dave at binuwag yung kamay naming dalawa. "Mabuti pa't ihatid mo na siya sa kanila Alex para hindi ka na magabihan sa pagbalik dito. Oh, Ayen okay ka lang?" tanong sakin ni Uncle Dave. Kasi naman, sino ba hindi mamumula sa nangyari kanina. Siguro kung hindi binuwag ni Uncle Dave yung kamay namin. Hanggang ngayon mararamdaman ko pa siguro yung malambot na kamay niya.
"Ayen, sagotin mo naman ako." Uncle Dave said cutting of the train of thoughts that's running inside my head.
"O-okay lang po." tugon ko sa kanya. Kawawa naman kung hindi ko sagutin. Baka magtampo pa sa akin.
"Oh sige, una na kayo ha? Mag-ingat kayo, Alex tawagan mo ako pagnahatid mo na si Ayen sa kanila. Bye." bilin sa'min ni Uncle Dave bago kami pinagtabuyan palabas ng coffee shop niya.
"Ah anyways, saan banda bahay niyo?" bakit ba palaging may anyways yung sinasabi niya?
"Ahh... Sa condo ako nakatira." pagpapaliwanag ko.
"Ohhh, sige hatid na kita." ani niya at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya.
Habang nasa byahe, pareho kaming dalawa na tahimik. Hanggang sa bigla siyang nagsalita.
"Bakit wala kang dalang sasakyan?" tanong niya.
"Ahhh, pinakacar wash ko. Bukas ko nalang siguro kukunin." ani ko. Tapos bumalik na naman sa katahimikan ang lugar.