Prologue

7 0 0
                                    

I...I...am sorry. Hindi ko naman sinasadyang mainlove. Hindi ko sinasadyang lumayo. Ayaw ko namang makapanakit. Gustong- gusto ko mang ipagsigawan na mahal kita...hindi ko magawa...may pumipigil.

Kasabay ng mga salitang to ang tuloy- tuloy na pagtulo ng luha ko. Gustuhin ko mang aminin ang nararamdaman ko, hindi ko magawa...hindi ko kaya. Hindi pwede. Maraming masasaktan. Ayaw kong manakit.

Ano ba ang susundin ko? Ang puso ko? Ang sigaw nito? O ang sigaw ng puso ng kaibigan ko. Ayaw kong maging mang aagaw at kontrabida sa buhay ng ibang tao. Ngunit bakit parang nakatadhanang maging kontrabida ako sa buhay nila?

Ang gusto ko lang naman malaman kung may feelings ka para sakin eh. Pero bakit parang pinaglalaruan lang ako? Bakit parang sinasadya mong magpafall?! Tama na...hirap na hirap na akong itago pa ang nararamdaman ko. Tanggap ko na na hindi tayo pwede...tanggap ko na sana kung hindi ka lang nagpapafall! Gusto ko na talagang malaman ang katotohanan...kung mahal mo ba ako kaya mo ako pinapaselos o pinaparamdam mo na hindi pwede? Manhid ka ba talaga o pafall lang talaga?

Isa lang naman ang gusto ko eh...malaman kung ano ang totoo. Isang tanong, isang sagot! Mahal mo ba ako o hindi?!
Napakakapal ng mukha kong itinanong ito sa kanya.

Hindi kapani- paniwala...nasabi ko sa kanya ang lahat...hindi sya nakaimik...at nakatingin lamang sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ng kanyang mga mata. Ang hirap basahin.

Hindi sya kumurap at patuloy lang na nakatingin sakin. Tao pa ba to? Parang hindi...napakamanhid nya.

Ano magsalita ka!
Sigaw ko sa kanya.

Kinakabahan ako pero nakaramdam ako ng pagkaexcite ng unti- unti ng bumuka ang kanyang bunganga upang magsalita.

I...I...I...
Hinintay kong magsalita sya hanggang sa tumulo na lamang ang luha ko sa pagkabigla ng malaman ang katotohanan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Locked Up WordsWhere stories live. Discover now