Itago niyo ako sa pangalang Daniel ako ay may sakit sa puso na kailangan maoperahan bago ako mag 20 yrs old, nakilala ko ang isang babae sa eskwelahan namin itago natin siya sa pangalang Olivia.. Kinausap ko at tinanong ang kanyang pangalan... hiningi ko rin ang kanyang cp number.
... Binigay niya at nagusap kami minsan ay nagkikita pa kami sa mall at yayain kong kumain... niligawan ko siya paglipas ng 2 buwan ehh sinagot niya na ako. Palagi ko siya kasama at pinakilala ko sa aking magulang. Nakita ko narin at nakausap ang kanyang magulang. Nang malapit na ang bakasyon eh sinabi ko sa kanya na akoy lilipat na ng school na kung saan ang mga natatanggap lang ay matatalino dahil isa itong magandang school eh si Olivia ay hindi masyadong katalinuhan. Syempre umiyak siya dahil magkakalayo kami sa isat isa. Nang araw na ng pasukan ko ay bigla ko nalang siya nakita sa paaralang iyon.. nagulat ako at nilapitan ko tinanong ko kung bakit o pano siya napunta dito. Nalaman ko na gumastos siya ng malaki para magpatutor at magpaturo para lang makapagaral at makasama ako. May biglang lumapit samin na lalaki at kinausap ang baby ko tinanong ang pangalan at parang inaangasan pa ako nitong lalaking ito. Ginawa ko ay pinatulan ko at nag-away kami ng lalaki. Nung hapon ay nakaramdam ako ng sakit sa puso at sinabi ko ang katotohanan kay Olivia. Nabigla at nagulat siya sa aking sinabi... bigla nalang sumulpot ang lalaking aking nakaaway at sabi ay kakausapin niya ako... sabi ko sige tara sa gilid.... sinabi niya sakin na maari bang hiwalayan ko na si Olivia... nagulat ako....tumanggi ako at umalis ngunit hinila niya ako at kinuwento na ang kanyang nanay daw ay nagiisa at parang walang malay dahil sa ikinamatay ng tatay niya na parehas lamang ng sakit ko.... sabi niya na baka ganun din ang mangyari kay Olivia na parang mababaliw na tanga.. ako naman tong walang pakelam sa sinasabi niya. Binalikan ko sa pwesto si Olivia at kinausap ko na hindi muna ako papasok kinabukasan dahil ako ay magpapacheck up... sabi naman niya sige sasamahan na kita. Kinabukasan ay pumunta ako ng hospital at wala si Olivia.. sumunod sakin yung lalaking nakaaway ko at habang tumatawid ako hinabol niya ako... at bigla nalang siyang nabangga ng Bus siyempre ako nakakaramdam na ng sakit sa puso ko pero pinuntahan ko agad ung lalaki... tumawag ako ng ambulansya at sabay na kaming pumunta ng hospital. 19 yrs old na ako ng ito ay nangyayari at nakausap ko ang doktor ko at sinabi na kailangan ko ng donor sa puso kung hindi ay mukhang hindi na aabot ng 1 buwan ang aking buhay. Hindi ko sinabi kay Olivia nang hindi masaktan... iniisip ko na dapat bang hiwalayan ko nalang si Olivia dahil mas masakit kung akoy makikita niyang nawawala na ng hininga. Kinausap ko si Olivia at sinabi ko na dapat na tayong maghiwalay dahil hindi ko na siya gusto... sobrang sakit man sakin na sabihin iyon aa kanya pero kailangan kong gawin ng mas hindi siya masaktan. Bigla na lamang niya sinabi sakin na "Daniel hindi yan ang totoo tiba? May nakapgsabi sakin na may sakit ka at kinakailngan na maoperahan bago sa katapusan... wag kang sumuko Daniel tutulungan kita hanggang sa dulo maghahanap tayo ng donor." Ako ay sobrang nasaktan sa sinabi niya at bigla ako inatake dahil hindi ako puwepwedeng masyadong makaramdam ng ganon dahil sa aking karamdaman. Sinugod ako sa ospital at umiiyak si Olivia sa aking tabi.. nagulat ako ng tumakbo siya pinuntahan daw ang lalaking aking nakaaway dahil nacoma at hindi na magigsing ang lalaki at pinipilit ni Olivia angmagulang ng lalaki na maging donor para sakin ngunit ayaw ng magulang ng lalaki. Kinakailngan ko na talaga ng donor hanggang sa nakatulog ako at hindi na nagising sa kanyang pagbalik.
![](https://img.wattpad.com/cover/182487918-288-kb2059d.jpg)