Chapter 3

5.2K 112 5
                                    

"What? Am I so handsome?" tanong ng lalaki sa harap niya. Nakalahad pa din ang kamay nito.

Pinilit naman ni Aleiza na makabawi sa pagkapahiya na inabot. "Hey you Mister!" Hindi niya pinansin ang kamay nito."Napakabastos mo din ano?! Hindi mo ba nakita na may taong nagpapahinga dito tapos bigla mong bibirahan ng dive sa pool? Nabasa mo ako you know that!?"

"Ako bastos? Excuxe me Miss Sungit! Sino kaya ang kung makatitig sa katawan ko eh parang hinuhubaran ako?" Namewang din ito pero sa halip na magmukhang katawa-tawa ay lalo pang lumakas ang sex appeal nito.

"Ha! Excuse me! Ang rude mo! Ikaw na itong nakabasa sakin tapos you're accusing me of looking at your body!?" Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. "Ang kapal mo!"

"Miss heto na po ang juice nyo." Singit ng isang lalaki na may dalang four seasons juice. Napatingin sila dito. "Heto na po yung juice nyo." ulit nito.

Kinuha niya ang juice sa tray na dala nito. "Thanks!" Humarap siya sa bastos na lalaki at saka dito isinaboy ang juice. Narinig niya ang pagsinghap ng lalaking nagdala ng juice ng makita ang ginawa niya. Ang lalaki naman ay hindi naka-react kaagad kaya hindi ito nakaiwas ng tumama sa leeg at dumaloy sa katawan nito ang juice. "Bastos!" Ibinalik niya ang baso sa tray ng lalaki at pagkatapos ay binirahan niya ng martsa palayo sa dalawang nagulat na lalaki. 

Nakakatatlong hakbang pa lang siya nang maramdaman niya ang mahigpit na hawak sa kanang kamay niya. Napatingin siya sa may-ari ng kamay. Nakita niya si Evo na matalim ang tingin sa kanya. Nagpumiglas siya para mabawi ang kamay. "Bitiwan mo ako! You jerk!"

Lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa kamay niya. "Nobody messes with me and walk away unscathed!" Pagkasabi nito ay malakas siyang hinila palapit dito. Hinawakan siya sa magkabilang pisngi at bago pa siya makaiwas ay narealized na lang niya na hinahalikan na siya nito.

Madiin ang halik na ginagawa nito sa kanya. Halos kagatin nito ang labi niya sa tindi ng pwersa ng ginagawang paghalik sa kanya. 

Pero sa halip na masaktan ay natagpuan niya ang sariling nakapikit at gumaganti sa halik nito. Ramdam na ramdam niya ang halik ng lalaki. Ramdam niya ang matamis na halik ni Evo. Ang mainit na hininga nito at ang kamay nito sa pisngi niya. Kusang tumaas ang dalawang kamay niya at yumakap sa batok ng lalaki. 

Maya-maya pa ay naramdaman niyang gumagaan ang halik ng lalaki hanggang sa matapos ito. Nanatili lang siyang nakapikit at nakanganga habang ang dalawang kamay ay nasa batok pa din ng lalaki. Parang ayaw pa niyang matapos ang halik nito.

"Masarap ba?" Tanong ni Evo na nagpabalik sa kanyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay sa batok nito at humakbang palayo. Nakatanga pa din ang lalaking nagdala ng juice. Wari ba ay mas nalilito pa ito sa bilis ng mga pangyayari kaysa sa kanya.

Humarap siya kay Evo at umigkas ang kanang kamay niya. Dumapo ito sa kaliwang pisngi ng nagulat na lalaki. "Bastos!" Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo palayo dito hanggang sa makarating siya sa cottage niya.

Mabilis niyang ini-lock ang pinto ng kwarto dahil baka sundan pa siya ng bastos na Evo na iyon ay makapatay siya ng tao. Naupo siya sa kama ngunit hindi pa din siya makalma. Malakas pa din ang kabog ng kanyang dibdib - na hindi niya alam kung sa mabilis na pagtakbo upang makalayo kay Evo o sa kahihiyan na inabot niya matapos gumanti ng halik sa isang estranghero.

The Bride's Groom (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon