Revenge

439 33 16
                                    

Revenge

By : abbydellomos17

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

All the things that had happened is still crystal clear to me. That horrible incident that made me experienced the pain, hatred and agony. The incident that made me felt miserable,..no, miserable isn't enough to describe the pain that I felt that time. I felt like dying. I didn't do anything to save her. I'm worthless.

The most important person in my life, I didn't do anything to protect her because I'm so f*cking scared. I let her die, die in front of me. Watching her calling my name, looking at her suffering, seeing her dying and I was just standing there, staring at her, don't know what to do. I'm so stupid.

" Sir, nandito na po siya. " narinig kong tawag sa akin ng isa sa mga alagad ni papa, pumunta na ako sa isang kwarto para puntahan ang taong tinutukoy niya. Habang naglalakad ako, lahat ng taong makita ko ay nakahilera sa gilid, they're bowing to show respect to me.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, nakita ko ang taong inutusan ko upang maghagilap ng impormasyon sa taong matagal ko ng hinahanap. Nakita kong puno siya ng galos sa mukha at bugbog sarado, nakita kong natakot siya at nabigla pagkakita sa'kin.

" Nakuha mo ba? " tanong ko sa taong 'yun, nanginginig siya sa takot habang nakatinign sa'kin

" S-sir, p-patawarin niyo po ako k-kasi hind-"

*BANG!*

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa kwarto, nakatutok ang baril na hawak ko sa walang kwentang taong 'yun na inutusan ko. Nakita ko siyang natamaan ng bala at nakahiga na sa sahig, puno ng dugo at walang buhay.

" One thing I hate the most is wasting my time. Kung hindi niyo kayang gawin ang inuutos ko sa inyo, then die. " sabi ko sa mga natirang alagad ni papa, halatang natakot sila sa sinabi ko at dahil na rin sa pagpatay ko sa isa sa kanila.

Pagkatapos ko sila pagsabihan, dumeretso ako sa field ng mansion namin kung saan nakahilera ang mga targets sa buong field na 'yun. Dali dali akong kumuha ng isang baril sa lalagyanan at itinutok iyon sa mga pupuntiryahin ko.

*BANG!*

" Mama, para po sa inyo ito. Kinuha ko po. " nakangiting bati ko sa kanya habang iniaabot ang isang rosas na pinitas ko sa garden namin.

Nagbigay siya ng isang napakatamis na ngiti habang nagpapasalamat sa'ken. Oh how I love seeing my mom smile. Niyakap niya ako ng mahigpit bilang pasasalamat. Ang gaan sa pakiramdam habang nasa hagkan niya ako.

" Xavier? " Napalingon ako sa kanya noong tinawag niya ang aking pangalan.

" Alam mo ba kung bakit iyon ang ipinangalan ko sa'yo? " nakangiting tanong niya sa'ken, I shook my head and I asked her why.

" Xavier, katunog ito ng Savior. Ito yung mga taong handing magsakripisyo para protektahan ang mga taong mahal nila. " pagpapaliwanag niya sa'ken, napatango lang ako habang pinapakinggan siyang nagkukwento sa'ken.

*BANG!*

" Eh bakit po Xavier ang pangalan ko? " nagtatakang tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa'ken at kumalas sa yakap. Tinignan niya ako ng deretso sa aking mga mata at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

" Xavier, gusto kong protektahan mo ang mga taong mahahalaga sa'yo. " seryosong sabi niya habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng hindi maganda matapos niyang sabihin 'yun.

Revenge (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon