One Shot Story

1.5K 34 0
  • Dedicated kay @janeandjaron
                                    

September 14, 2014

Jane's POV

Ang lakas ng ulan. Nataon pa sa post debut celebration ko dumating si bagyong Luis. May umattend pa kaya pamaya?

Nandito kami ngayon sa Fernwood Gardens kung saan ang venue. Busy ang lahat sa pag-aayos sa ibaba. Samantalang ako naman ay nandito sa dressing room at inaayusan para pamaya.

Alam kong nakapag celebrate na ko sa loob ng bahay ni kuya pero naeexcite pa rin ako ngayon. Kasi invited na lahat ng matatalik kong kaibigan na hindi nakadalo noon sa loob ng PBB House. Bukod kasi sa limited lang ang mga taong invited ay busy daw sa taping ang iba kong mga friends.

Mini make-upan ako nang biglang magtiliian ang lahat ng nasa loob ng dressing room. Nag-angat ako ng tingin mula sa phone ko na kanina ko pa hawak. Tinignan ko mula sa salamin kung bakit biglang nagtiliian ang mga tao sa loob.

 it's JeronTeng! :-)

May dala itong isang paper bag at isang bugkos na bulaklak.

"OMG! The King Archer is here!" sigaw ng isa sa mga make-up artist sa loob habang inaayusan ang kapatid kong si Noemi.

Hindi ko alam pero kinikilig ako ngayon. Si Jeron ay isang masugid na manliligaw. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang effort na ibinibigay sa akin ni Jeron. 

Madaming lalaking inililink sa akin gawa na ako nga ay isang artista at sa showbiz hindi mawawala ang mga kapareha o LoveTeams.

Pero iba si Jeron sa kanilang lahat. Sa kanya ko lang naramdaman na speyal ako para sa kanya. Napakadami na nyang naisakripisyo para sa akin. Lalo na ang saluhin lahat ng pambabatikos mula sa mga taong hindi ako gusto.

Masaya ako tuwing kasama ko sya. Nararamdaman ko ang pagiging totoo sa lahat ng mga sinasabi nya.

Nagulat ako dahil bigla na lamang nyang kinuha ang kamay ko at isinuot ang isang bracelet na may kulay green na gem. 

"happy birthday!" bulong nito sa akin matapos isuot ang bracelet sa braso ko. 

Kitang kita ko na lahat ng tao sa loob ng kwarto ay hindi rin mapigilang kiligin. Lahat ay may kanya kanyang hawak na phone at pinipicturan ang lahat ng mga kaganapan sa mga sandaling ito.

"Thank You!" nakangiting sabi ko.

"Labas muna ko, see you later Princess..." nakangiting sabi sa akin ni Jeron. Kumaway pa ito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

“Ikaw na te!”  tumitiling sigaw ng isa sa mga make-up artists.

Natawa lang ako.

**Jeron’s POV** 

Nagsimula na ang selebrasyon.

“Ladies and Gentlemen! Let us all welcome the stunning debutant, Ms. Elizabeth Jane Oineza…”

 

Excited ako na kinakabahan. Hindi ko alam pero first time kong makaramdam ng ganito. Sa totoo lang ay hindi ko inasahang ako ang magiging escort ni Jane sa gabing ito sa dami ng lalaking gustong ipareha sa dalaga.

Naalala ko pa nung sinabi nya sakin na ako daw ang escort nya.

“oows? Seryoso yan aa”

 

Lahat ay nakatingin sa pababang si Jane mula sa hagdan.

Napakaganda nito sa suot na eleganteng gown.

Bago pa ito tuluyang makababa ay sinalubong ko na ito. Magkahawak ang aming mga kamay na tinungo ang center stage. Feeling ko ng mga oras na ito ay ako na ang hari ng lahat. Proud na proud ako habang naglalakad kami.

Jane’s POV**

 

Lahat ng mga mata ay sa akin nakatingin, feeling ko tuloy ay isa akong prinsesa sa isang fairytale. Ang saya saya ko sa mga sandaling ito.

Lumapit sa akin ang aking escort na si Jeron. Napakagwapo nito sa suot. Na terno pa sa kulay ng gown ko.

Iniabot nito sa akin ang isang bugkos na bulaklak na tangan niya.

“Happy birthday Princess! You’re so beautiful…” nakangiting sabi nito sa akin.

Nagsasayaw kami nang mga sandaling to, naramdaman ko ang higpit ng hawak nya sa akin ng matapos na ang sayaw at lumapit na kami sa iba pang bisita.

“Paano? Ang higpit ng hawak mo.” di ko napigilang sambitin, habang nakatawa..

“That’s a message :-D para naman alam nila, you’re special..

and You are  mine.” biro pa nito.

Isang biro na nakapagpalundag sa puo ko at nakapagpasaya sa akin sa gabing ito…

THE END.

bitin </3 HAHAHA! 

 

A Night to Remember (Jane-Jeron FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon