Sportfest Love 01

20 0 0
                                    

SPORTSFEST LOVE

A/N: Hi guys! Tagal ko napalang di nagupdate hehe. Pasinsiya po ^^. Busy po kasi eh. Pero maguupdate po ako ngayon. Slow update na ngalang hehe. Hope you'll understand. Thankiiee!

-----

Sportsfest Love Take 01

"Shane" tinawag niya ako mula sa madilim na lugar kung nasan siya.

Teka, tinawag niya ako? Tinawag niya talaga ako?

Ayan na, papalapit na siya, sino kaya to? Lagi ko nalang siya napapanaginipan. Ayan na, ayan na talaga . Isang meter na lang at--

"Shane!! Bumangon ka na!" Pakshet! Ayun na eh oh! Istorbo si Rey! Bussssssiiiiiit!

"Argghhh! Istorbo ka naman Rey eh!" sigaw ko sa kanya sabay talukbong ng kumot.

"Aba aba! Bakit Rey nalang tawag mo sa akin ha?! Tandaan mo! Kuya mo parin ako! " hinila niya yung kumot at tsaka ako dinuro duro.

Eto na naman kami. Nagbabangayan. Wala namang bago eh.

"Eh di Koya! " padabog akong bumangon ng kama at pumunta ng banyo.

"Anong Koya? Kuya! Hindi Koya! Bisaya ka ba ha?! " pahabol niya. Tsk ewan ko sa kanya.

"Whatever Koya!" sabay sara ng pinto.

Tsk ang sama ng umaga ko. Si Rey kasi eh! Ay Kuya Rey pala haha. Parang ang sama ko naman haha. Actually, usual na lang yung bangayan namin ni Kuya Rey. Lagi naman eh. Paano pamwiset. Tch.

Teka nga, kanina pa ako kwento ng kwento eh. Kilala niyo na ba ako?

A/N: Malamang Raven di pa!

Okay ehem. Ako si Raven Shane Mendrez. 15 years old. Babae ako kahit hindi halata haha. Nag -aaral ako sa R.D. Wang University, kung saan grumaduate si Ate Ellinaya De Vera, ang aking super idoool! Grabe! Hangang hanga ako sakanya! Haha. Kahit nga si Kuya Ron nagkagusto dun eh. Kaso lang, nalamangan siya nung koreanong nanligaw kay ate Ellin haha. Okay enough na kay ate Ellin. Basahin niyo nalang story niya haha.

Apat kaming magkakapatid. Si Kuya Ron Sean ang panganay, sunod Si Koya! Oo siya na yun, si Koya Rey Son, tapos sunod ako at si Ricky Shin ang bunso. Lahat kami ay half-American. Kasi yung Mom namin Spokening dollar slash Amerikana haha. Hindi kami mayaman, hindi rin mahirap. Mga average lang. May shoe store kami, named Mendrez kasi yun yung family name nila papa.

Wierd ba? Kasi ang tawag namin sa parents namin ay Mommy at Papa? Haha. Yaan niyo na haha. Okay tapos na, maliligo na ako.

--

"Princess, halika na dito kumain na tayo." sabi ni kuya Ron habang pababa ako ng hagdan. Oh diba, siya Princess, si Koya Rey naman Shane. Daming tawag eh. Paano ba naman ako malilito niyan diba?

"Oo nga ate Ven, kumain na tayo. Peyboritt ko tooo!" ay yown, nagwawala na ang anaconda ni Ricky sa tyan haha. Oh ayan, Ven naman tawag niya sa akin. Shortcut daw ng Raven. Dami ngang alam eh, keybata bata eh.

"Oo na. Psh." umupo na ako at nagpray na kami. Ala eh, maka-Diyos kaming lahat hehe.

Pagkatapos naming kumain, isa isa nakaming naghanda papasok ng school.

Sabay sabay kaming pumasok. Hinahatid kami ni Kuya Ron, kasi nasa iisang university lang naman kami. Nasa kabilang building lang si Kuya Ron dahil college na siya.

"Ready kiddos?" inistart na ni Kuya Ron ang kotse niya.

"Aye aye Captain!" sabay sabay naming sagot na parang bata.

"Hahahaha." sabay saby din naming tawa, haha. Ang sarap isipin na kahit di kami perfect family, masaya pa din kami.

~Vooooooommm! (sensya sa sounds epeks haha)

Maya maya nandito na kami sa school. Grabe! Feel na feel ko ang Sportsfest. Rinig na rinig ko ang ingay ng bawat team. Kitang kita ko rin sa mga mukha ng mga studyante ang excitement.

"Hey princess, you MUST watch my game later okay?" ma-awtoridad na banggit ni kuya Ron.

"Yes, captain! Haha" sagot ko sabay salute.

"Hooy Shane! Yung basketball ko mamaya ha?! Pag di ko nakita ang mukha mo dun, magwawala ako!" parang batang sabi ni Koya, sabay papadyak at kamot pa sa ulo. Haha kakyowt!

"Yes Koya!" pang aasar ko pa haha.

"Anak ng! Kuya nga!" pagmamaktol na naman niya haha.

"Oo na." tapos nginitian ko siya.

"Hey, magandang Ven. How about my game?" sabi ni Ricky with puppy eyes pa. Haha.

"Of course kiddo, I'll watch your badminton game." sabay tap sa ulo niya.

"Yey! May maganda ng view mamaya sa laro ko hahahaha!" tatalon talon pa niyang sabi haha.

"Sige na. Bye Boys!" nagpauna na ako at kumaway sa kanila.

"Byeeee!" pahabol nila at kumaway kaway din. Haha. Ang kulit nila, pero ang saya.

Dumiretso ako sa room, para maitsek attendance ko. Habang papunta ako doon, napadaan ako sa locker room ng basketball team. Napasilip ako tapos may hinahanap yung mata ko eh. Inikot ko ang paningin ko at shoooooot!

Sabi na eh, makikita ko siya. Iiih! Kese nemen, nekekeleg eke. Haha.

"Ano?!" biglang sigaw niya.

O____O

Hala! Nakita niya ba ako? Napasandal ako sa pader at napatakip sa dibdib. Kinakabahan ako. Nabisto na. Sumilip ako ulit, baka kasi di ako. Tapos yun nga, nakita ko siyang may kausap sa phone. Kala ko bisto na ako. Nakahinga ako ng maluwag at pinagpatuloy ang pagsilip.

"Bakit?! Alam mo bang mahal na mahal kita?! Tapos makikipagbreak ka na agad?! Ni wala pa nga tayong 2 weeks!" sigaw niya na parang may hinanakit. Sabagay, break up call to. Pero napaisip ako, may girlfriend na pala siya. At mahal na mahal daw niya, parang bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko.

"Fine! Kung yan gusto mo! Bahala ka!" tapos binato niya bigla phone niya. Hala, galit ata.

"Shane!" ay tuko! Biglang may tumawag sa akin. Napaatras tuloy ako.

"Ano ginagawa mo?" tanong ni Koya Rey. Oo, siya yung tumawag.

"A-ano, napadaan lang ako. Sige kuya una na ako. Bye" nagtatakbo na ako papuntang room. Kinabahan ako ng todo don. Kasi naman, sa periphial vision ko, napatingin siya sa gawi ko nung tawagin ako ni Rey. Holooo. Baka ipablatter ako noon. Sana lang di niya ako nakita.

"Raveeen!"

O___O

~~~~~~~

A/N: Nakaraos din! Haha. Hope you enjoy it! Wait the next one! Haha Thankies :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[ON HOLD! ]Sportsfest LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon