I'm a Jinx. Isang taong walang ibang dala kundi kamalasan. Mag-isa sa buhay. Walang kaibigan at pamilya.
Everyone keeps their distance from me. 'Coz once you go near me. You'll be dragged into some kind of misfortune or worst thing, you'll die . . Just like what happened to Him :(. . .
(a/n jinx means someone or something that brings bad luck)
******
Lahat sila tumatabi sa tuwing dadaan ako. Hindi dahil sikat ako sa campus kundi dahil narin sa pagiging jinx ko.
"Nandyan na siya"
"Tumabi na kayo"
"Nakakatakot talaga siya"
"Creepy, parang mangkukulam"
Rinig na rinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante sa tuwing dadaanan ko sila. Nakayuko lang ako habang naglalakad hinahayaan ang mahaba kong buhok na takpan ang akung mukha. Sa ganitong paraan di ko gaanong nararamdaman ang sakit. Medyo sanay na din naman ako, di na bago sa akin ang ganitong tagpo.
Nagdirediretso lang ako sa classroom. Ng makarating ako sa loob agad akong umupo sa assigned seat ko. Dito ako umuupo sa may likuran malapit sa bintana medyo malayo sa aking mga classmates. Kahit seatmate ,walang nag lakas-loob na tabihan ako. Isa lang naman ang tumabi sa akin at SIYAyun.
Ako nga pala si Aisha Berth Dale ang dakilang jinx. Isang dakilang ulila. Namatay si Mama sa panganganak sa akin, saklap diba. Si Papa na ang nag-alaga sa akin simula nun masaya na sana hanggang sa iniwan niya din ako during my elementary graduation, sa kasamaang palad inatake siya sa puso. Ohh diba ang malas ko. May kaibigan naman ako actually best friend ko ,yun nga lang iniwan na naman ako. Tandang-tanda ko pa non habang pauwi ako galing sa pinagtatrabahuhan ko nakita ko siyang patawid para salubungin ako yun nga lang habang patawid siya ay nabundol siya nga sasakyan. Kitang-kita ko mismo yun. Ang sakit sakit parin kapag naalala ko yun kaya simula non kumalat ang tsismis tungkol sa kamalasan ko na kahit sino nga na mapalapit sa akin ehh may nangyayari talagang masama. Ehh kahit ako tanggap ko naman yun. Kaya nga ko na mismo ang umiiwas iniiwasan kung may mmadamay pa sa kamalasan ko. Hanggang sa dumating siya ---
"Good Morning Class" Naputol ang pag-iisip ko ng dumating si sir. 4th year Highschool na pala ko at dito ako nag-aaral sa Dencios University bilang scholar.
****
Patuloy parin ako sa pagsusulat habang naglelecture si sir.
"Who among you here would like to answer this problem on the board" Pinapasolve ni sir yung equation na sinulat niya sa board .Math kasi yung first subject namin.
Wala namang nag taas ng kamay nila . Malamang hindi nila alam ang sagot. At dahil dakilang scholar ako.
"S-sir" Tinaas ko ang kamay ko habang nakayuko eh nakakahiya kasi pinagtitinginan nila ako.
"O-okay Ms. Dale" Nakita kong nag aalangan si sir. alama ko naman na kahit siya ehh natatakot din sa akin.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa harapan at sa bawat nadadaanan kong upuan ay ang nakikita ko lang ay ang nakatalikod kong mga classmates. Parang nandidiri sila sa akin. Pagdating ko sa blackboard napansin kong dumidistansiya si Sir sa akin. Pati ba naman siy hayy. Nagsolve na lang ako at ng matapos ayy ibibigay ko sana kay sir ang chalk. Halata namang nagulat siya at nag-aalangang tanggapin yun kaya nilagay ko na lang sa table at bumalik na sa upuan ko.
*****
Dismissal Time. Pumunta agad ako sa carinderia ni aleng Queenie kung saan ako nag papart time. Taga hugas lang ako dito ng pinggan. Mabuti na lang at may tumanggap sa kin kahit na kalat na dito sa amin ang dala kong malas. Mabait naman si aleng Queenie. Kaya malaki ang utang na loob ko dyan. Yun nga lang di ako masyadong lumalapit sa kanya, baka malasin pa siya.
Natapos na ang duty ko at naglalakad nako pauwi ng biglang ---
*splash*
Napuno lang naman ako ng putik dahil sa pagharorot ng isang sasakyan. Hay kung mamalasin ka nga naman.
"Miss sorry. sorry talaga miss " Nilapitan pala ako ng lalakeng may-ari ng sasakyan iniiangat ko ang ulo ko upang makita ko kung sino man siya
Mas ikinabigla ko ang nakita ko. Impossible ba't siya andito ? ba't . . .ba't buhaysiya? ?
BINABASA MO ANG
Jinx
Teen FictionJinx : someone or something that causes bad luck ; also : a state or period of bad luck caused by a jinx