*2 years ago*
"Ba't ba ang malas ko, lahat na lang ba ng mahal ko. . .kailangan mawala *sob* B-bat di na lang ako. . ?? Ang sakit sakit na mawalan . Una si mama, si papa at ngayon best friend ko na naman? Ang nag iisang taong naging karamay ko sa lahat. Bat parang bawal sa akin maging masaya ?
Iyak lang ako nga iyak. Binuhos ko lahat ng galit at sakit na nararamdaman ko. Ewan ko kung matatapos pa ba akong umiyak. Di ko namalayang dito pala ako dinala ng mga paa ko sa likod ng school. May malaking puno kasi dito. Dito kami ni Mara naglulunch at tumatambay pag walang pasok. Mas napahagulgol ako ng bumalik ulit ng alaala sa isip ko , masakit lang isipin na ngayon wala na akong kasamang gawin ito.
" Miss? okay ka lang? Napatingin ako sa nagsalita, di ko inaasahag may tao pala dito.
Di ko lang siya sinagot. Ewan ko ba. Parang ayaw ko lang talagang magsalita. Nabigla ako ng umupo siya sa tabi ko at nakatingin sa langit. Ngayon ko lang napansin na palubog na pala ang araw. Pati ba naman ang langit nakiisa sa kalungkutan ko. Hayy.
"Alam mo miss di ko alam kung bat ka umiiyak, ang alam ko lang mabigat yang dinadala mo ngayon. Hayy di ko naman alam ang dapat kong sabihin di naman kasi ako magaling mag advice eh. Basta iiyak mo lang yan. "Napakamot na lang siya sa batok niya na parang nahihiya.
BINABASA MO ANG
Jinx
Teen FictionJinx : someone or something that causes bad luck ; also : a state or period of bad luck caused by a jinx