"Excuse Me!" Malakas na sigaw ko sa mga taong nagkukumpulan sa harapan ko. Inulit ko pa ang sinabi ko ngunit hindi nila ako pinansin.Napasabunot ako sa sarili ko at nagmamaktol na tumalikod.
Ito ang kauna-unahang Mall Show ng Shini-ship ko noong sina Reth at Myka na parehong vlogger, na ngayo'y mag-on na. Pero dahil na-late ako ng gising eh nawalan na ako ng espasyo para makita sila! Kahit man lang sana mag-papicture ay okay lang! Huhu.
Nakayuko akong naglalakad hanggang sa may nakabangga ako.
"Aww.." mahinang daing ko at himas ang ulo ko. Grabe naman ang taong to, ang tigas. Err. Inayos ko ang salamin at nakasimangot na tinignan ang lalaking nabangga ko.
"Sorry, miss!" Nakangiti siya habang naka-peace sign. Naka-cap rin ito at naka-mask na parang ayaw ma-recognize ng mga tao. Teka, artista ba to? Parang ayaw ma-huli ng paparazzi ang porma eh.
"O-okay lang.." ani ko.
"Hmm. Ano ang pangalan mo?" Medyo nagulat pa ako ng tanungin niya ang pangalan ko. Tapos maraming mga thoughts ang bumugsok sa ulo ko. Alam mo yun? Baka holdaper to o di kaya'y Hacker sa acc. Deh Joke.
"C-Calai Cie. Pwedeng L-lai nalang.."
Tumango siya sa sinabi ko.
"ReYka Shifter ka rin ba?" Dahan-dahan akong tumango sa kaniya.
"Talaga? Eh bakit wala ka doon?" Tinuro niya ang mga taong nag-iingayan habang tinitignan si Myka na kumakanta.
Ngumuso ako ng mahaba. "Wala e. Di na'ko makisiksik. Sayang pa naman ang effort ko, ngayon lang naman akong pinayagan ni Mama na gumala."
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko at lumunok. Grabe, ang haba-haba ng pilik mata niya. At sobrang ganda ng bilog niyang mga mata!
"Hali ka," Kinaladkad niya ako patungo sa stage at nagulat akong pinapasok lang siya ng mga nagbabantay!
T-Teka wag mong sabihin.. Dadalhin niya ako sa gitna ng stage?! Nahihibang na ba siya?!
"H-hoy! San mo 'ko dadalhin?!"
Hysterical na masyado ang sistema ko ngunit ngumiti lang siya sa akin.
Pilit kong binabawi ang kamay kong hawak niya pero mas hinigpitan niya pa ang paghawak dito.
Hanggang sa nandito na kami sa stage at marami nang tao ang tumitingin sa amin!
"Hoy bitawan mo nga ako!" pabulong kong ani.
"So guys ready na ba kayo? Let's Welcome, Shawn Quin!"
Inalis niya ang Cap niya at mask niya at napatanga ako ng bonggang bongga ng makita ko ang itsura niya. What the hell? The Famous Shawn Quin in Men's Magazine!?
Huli ko na narealize na nasa akin na pala ang atensyon dahil tinignan ko lang si Shawn.
Nagulat pa ako ng ituon niya sa akin ang microphone.
"Diba.. Lai?"
Kinabahan ako sa tanong niya. Teka, ano nga ba ang sinasabi niya? May tinanong pa ba siya sa akin?
At dahil ayokong pagtawanan dito sa harapan ay tumango ako. Nakita ko namang kinilig si Myka at lumapit sa akin.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Wow! I love you too!"Inamoy ko siya. Wow rin. Ang bango-bango niya. Na-concious tuloy ako sa sarili ko. Ano kaya ang shampoo niya?
Nagtilian ng malakas ang mga audience at bumitaw sa akin si Myka.
Natuon ang aming atensyon sa lalaking naglalakad patungo sa aming direksyon.
Ngumiti ng napaka-tamis si Myka.
Ako naman ay napatanga na naman. Grabe, hindi talaga ako magre-regret kung bakit sila ang pambato ko. Sobrang bagay nila!
Sobrang Gwapo at Maganda!
Nang makalapit siya ay nagulat ang lahat kung bakit hindi niya pinansin si Myka!
"R--"
Di na niya natapos ang sasabihin niya at narinig ko nalang ang pagbagsak ng microphone at pagtahimik ng buong paligid at pagsinghap ng marami.
Nanigas ang buo
kong katawan at unti-unting nanlaki ang mga mata ko.WHY THE FUCK IS RETH VAMNS KISSING ME?!!
YOU ARE READING
How
RandomHow could I reach a man with words? A man with promise. And a one-woman man?