Prologue

4 0 0
                                    

Siumin POV

"Nasaan siya?" nanginginig kong sabi

Napayuko lamang sila

Napaupo na lamang ako dahil alam ko na.Ayaw kong tangapin ayaw kong paniwalaan pero mga mata na nila mismo ang nagsasabi ng katotohanan

"Sinubukan namin siya iligtas pero..." nagsimula nanaman akong umiyak " sorry, Min" patuloy niya

Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sakanila ang alam ko lang ngayon nasasaktan ako at parang hindi ko na yata kaya

----------

"Siumin, anak" tawag sakin ni mama habang ako'y  nakatingin sa kalangitan alam ko kase isa siya sa mga bituin na naroroon

"Anak ilang araw kanang ganiyan, sa tingin mo ba sasaya siyang makita kang ganiyan?"

Naalala ko ayaw na ayaw niya akong umiiyak pero paano? kung wala kana, kung ikaw mismo ang dahilan kung bakit ako ganito

"Anak mahal ka niya kaya niya yun ginawa"

Ito nanaman, ang sikip sikip nanaman ng dibdib ko tuwing naalala kong ginawa niya yun para sa akin

"Anak puntahan mo lang ako pag ready kana" paalam sa akin ni mama saka na siya lumabas ng kwarto ko, nandito kase ako sa balcony ng kwarto ko

Sa totoo niyan hindi ko pa nakikita ang katawan niya.Sabi kase nila mama na saka na daw ako dumalaw pag nailibing na siya.Delikado pa daw kase ako.Okay na rin yun para kasing hindi ko pa ata kaya.Masyado na akong wasak

My StarWhere stories live. Discover now