Ako si Ahron... isang grade 5 student at may naging ka seatmate ako na si Sophia at naging sobrang magkaibigan kami sa kanya ko sinasabi lahat ng mga crush ko. Hanggang sa isang gabi eh para bang may naramdaman ako sa kanya bat parang sa kanya ako nagkakagusto.. Itinago ko ng mga ilang araw ang nadadama ko sa kanya hanggang sa sinabi ko sa isa kong kaibigan na may gusto ako kay Sophia. Nung uwian ay nagkita kami ni Sophia at ipinagtapat ko sa kanya na may gusto ako sa kanya. Ang sagot niya ay " Weh kailan pa totoo ba yan?? Baka naman binibiro mo lang ako? Alam mo dati pa kasi kita gusto eh kahit nasasktan ako sa mga sinasabi mo tungkol sa nga crush mo..." Syempre ako nagulat ako at syempre KINILIG ako. Kinabukasan pagpasok ko parang nahihiya ako lumapit sa kanya parang natotorpe ako. Siya mismo ang lumapit sakin at tinanong kung bakit hindi ko siya pinapansin. Ako wala naman ako masagot sa kanya pero triny ko magsalita at tinuloy nalang ang kwentuhan. Paguwi ko....agad na nagchat ako sa kanya at grabe ang tagal ng paguusap namin umabot na kami ng hating gabi ng gabi. Nangpapatulog na ako ay diko siya maalis sa isipan ko. Hanggang sa naging grade 6 na kami natotorpe parin ako sa kanya... pero nilakasan ko ang loob ko na lumapit lagi sa kanya... pero bakit parang ayaw niya ako kausapin napagisip ko na baka di niya na ako gusto o baka may nagawa akong mali. Tinanong ko kung sa kanya kung may problema ba siya at kung galit ba siya sakin... sagot naman niya na "Wala hindi ako galit sayo bat mo naman naiisip na galit ako sayo? At wala akong problema ano naman proproblemahin ko?" Syempre ako naniwala sa sinabi niya. Nagtuloytuloy parin ang paguusap namin sa "Chat"
Pagdating ng grade 7 ay niligawan ko siya at mga ilang buwan sinagot niya na ako. Pagaraw ng examination syempre maaga uwian kasama ko siya gumala kasama ang tropa namin at madalas ko na siya kasama kapag recess at lunch. Mga ilang araw eh parang natotorpe ulit ako sa kanya.... at bigla nalang siyang nakipagbreak saakin bago mag grade 8 nagulat ako sa kanya at tinatanong ko kung bakit???? Ang sagot niya "basta may problema ako at hindi mo alam dahil hindi naman kita nakakasama araw araw dahil puro chat ka lang sakin at parang hindi mo ipinaparamdam na mahal mo talaga ako." Sabi ko "Sorry kung hindi kita nakakasama araw araw dahil natotorpe ako sayo hindi ko lang alam kung bakit? Pero mahal kita at hindi ko kaya na iiwan mo nalang ako basta basta." Hindi na siya nagreply saakin. Isang araw bigla ako kinausap ng kaibigan niya at sinabi ang totoong dahilan bat siya nakipagbreak saakin... sabi niya "Natandaan mo ba ng grade 6 parang hindi ka niya masyadong pinapansin dahil binabastos siya ni ***** at hinihingan pa ng Nu***... hanggang mag grade 7 binabastos parin siya at hindi mo alam na ganon na ang nangayari sa kanya dahil torpe ka eh parang hindi kayo pero tiba kayo? Bat parang hinde mo naman ginagampanan pagiging Boypren mo?Kasalanan mo rin toh eh dahil hindi mo siya pinoprotektahan..." Ako ay sobrang nagulat napaluha dahil hindi ko naman alam na ganun na ang nangyayari ka Sophia.... pinuntahan ko si Sophia at kinausap ko trinatry kong makipagbalikan kaso ayaw niya ma talaga.... hindi ko talaga kaya yung sitwasyon at binigyan ko nalang siya ng space.. Alam ko wala na siyang gusto sakin pero ako gusto ko talaga siya.. umaasa parin ako na baka maging kami ulit. Nung grade 8 naging magkaklase kami syempre ako nahihiya sa nagawa ko pero kinausap niya ako sinabi niya na " Kalimutan nalang daw nangyari samin at maging magkaibigan nalang" Sabi ko sige kahit masakit dahil gusto ko parin siya... May nilalaro kaming isang laro "ROS" lagi ko siyang kalaro at syempre sa ROS may parang talk something doon kaya nakakapagusap kami habang naglalaro kami.... Syempre parang lumalpit lalo yung pagiging magkaibigan namin at lalo akong nahuhulog sa kanya.... Pero diko sinasabi sa kanya ito dahil sinabi niya nga na kalimutan na ang lahat. Nung grade 9 na ay lilipat ako ng school kaya parang nalungkot ako na hindi kona siya makikita. Umaasa ako na magiging kami pero wala na talagang pagasa dahil stinastalk ko siya sa twitter at nakita ko na may iba na siyang gusto. Triny ko mag move on sa kanya pero mahirap dahil siya lang ang minahal ko talaga. DIKO NA ALAM SUSULAT KO PUTA.
