I've been dreaming of you

31 2 4
                                    

Ilang araw na ang lumipas hindi na pumasok si Ms. Angel Face hinahanap hanap ko siya di na talaga siya pumasok sa classroom kaya nagtanong nako kay mam

"Mam bakt di na pumapasok yung babaeng maganda? Ano ba pangalan nun?" tanong ko

"Ah si Hanna De Chavez?"

"Umm opo?" umoo nalang ako kasi baka nga Hanna pangalan niya

"Ah pumunta kasi sila sa Palawan nagbakasyon muna sila sa isang linggo pa sila makakauwi" sabi ni mam

"Ah ganun po ba? Sige po mam thank you"

Paglabas ko ng classroom, nandun na si Kenzo at wait.. kasama nya sila,, JASON!

"Pare! sila Jason oh!"

"JASON!"

"WHOA! Clark bagets di kana bagets! haha!" sabi ni Ruppert"

"Yes pare! ikaw! damulag kana! di kana unano! haha!"

"Oyst! Anong asaran yan? sale ko dyan!" sabi ni Leo

"Pare ikaw, wala ka paring ipinagbago, kalbo ka parin!"

"Boys! ititigil nyo yan or else magpipintura kayo ng buong classroom!"

haha..

Tumambay muna kami sa paborito naming tambayan noon nung high school pa kami dun sa Kuya Maeo's bilyaran habang naka tambay kami don pinag uusapan namin yung tungkol sa ll namin.

"haha. simula nung naging kami ni Sara bawal akong lumabas, kailangan pag nandyan ako sa tabi nya bawal tumingin sa ibang magagandang girls. hahaha. buti nama nag break na kami" sabi ni Kenzo

"Ha? Naging kayo pala ng antipatikong Sara nayun haha. Hindi naman nag alboroto tong si Clarck, dahil nga diba obsessed na obsessed siya dun?" sabi ni Jason

"Napag usapan na namin yun ni bespren diba bespren?"

"OO ayos lang yun sain, tutal naman hindi ko alam kung crush o inlove ako dun sa babaeng nakatabi ko nung first day, yung magandang mukhang anghel, sabi nila si Maxine daw yun pero iba yung itsura nya kay Maxine"

"Ano ka ba? May tuliling? syempre maraming magagandang babae dito sa school nuh?"

"Iba talaga yung ganda nya kung makikita mo, lagot ka sa mata nya pag natitigan mo sya, talagang parang manika, medyo singkit at mapungay grabe, iba yung ganda nya sa imga ibang babae dito sa school"

"Pare, kamusta kana? kumain kana ba? baka naman mamaya inlove na."

Tumawa lang ako at miya miya ay wait..

Nakita ko si Angel girl nag iisa sa may bench na maraming roses.

"Guys! wait lang ha" sabi ko

Pinuntahan ko si Angel Girl sa may bench at kinausap sya.

"Hi" sabi ko

Umisod lang sya para umupo ako sa tabi nya

"Salamat" sabi ko

Ngumiti lang sya sakin 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"Naka upo" sabi nya

"Umm.. Wala ka bang kaibigan?"

"Bakit mo natanong?"

"Wala lang, kasi lagi kitang nakikita mag isa lang. Kung wala kang kaibigan, nandito lang ako ha" sinabi ko

Tumawa sya ng mahina at tumango

"OK" sabi nya

"Sana best friend narin" nagulat ako sa hiling nya

"O- o- ook. sure haha" 

"yehey!" nabigla rin ako ng niyakap niya ako

Tapos tumawa sya

Naglakad lakad kami sa park..

"Bakit palagi kang malungkot?" tanong ko

"Wala."

"Best friend mo ako diba? Sabihin mo sana sakin."

"Umalis ako sa bahay namin kasi may misyon akong gagawin"

"Misyon? Anong misyon?" hindi ko sya maintindihan sa sinasabi nya

"May kaylangan akong baguhin" di ko talaga maintindihan.

"Ah basta di ko man maintindihan. Libre nalang kita , anong gusto mo?"

"Libre?"

"OO tara dun sa may fishball"..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girlfriend is an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon