Bad day

6 0 0
                                    

POV. Cass

Anyways high ways, naghahanda na ako ngayon para sa pagpasok ko

After kong gawin ang "morning rituals" ko , bumaba ako sa dining room para kumain ng breakfast.

"Goodmorning Daddy!!!" Bati ko kay daddy habang nakaupo siya sa dinner table at nagbabasa ng newspaper.

"Hello my princess. Goodmorning!" Sabi ni Daddy sa akin. "Princess" ang tawag nya sa akin, Since only daughter lang ako.

Kumuha ako ng hotdog at sliced bread at kinamusta ko si daddy. "So how's your morning Dad?" 

"My morning? Hmm.. as beautiful as you, my princess" ngiting sabi nya sa akin at pinagpatuloy ang pagbabasa ng dyaryo. Ang cheesy ni daddy noh? Kaya daddy's girl ako eh.

Ganito kami lagi sa bahay. Bolahan ng bolahan at biruan ng biruan. Pero kahit daddy's girl ako, never akong inispoiled ni Daddy. Yun kasi pagpapalaki sa akin ng mga magulang ko.

"Haha. Nice try dad. Nabola mo nanaman ako for this day" 

"Well, hindi kaya bola yun. That's a fact." Sabi sa akin ni Dad. Nagtawanan kaming dalawa at nagpatuloy na kami sa pagkain.

"Ang cheesy nyo naman pong mag-ama, Sir Carlo.." Biro ni Manang Beth kay daddy habang nilapag yung bacon sa harapan ng lamesa namin.

Masayang binati ko si manang Beth. "Goodmorning Manang Beth!" *kaway kaway

Si manang Beth ang taga-pamahala sa loob ng bahay namin. Mayor doma kung tawagin. Actually, matagal na siyang nagtatrabaho sa amin.. Mula nung bata pa ako love na love ko talaga tong si Manang Beth. ^_____^

"Goodmorning din Mam Cass." Bati sa akin ni Manang Beth.

"Naku,Manang. Hindi ka pa nasanay sa amin ni Cass. Ganyan na ata kami . Right my princess?" Ngiting sabi ni Daddy kay Manang Beth.

"Of course, Daddy! May Tama po kayo,sir!" Saludong sabi ko sa daddy ko sabay kagat ng bacon.

"Mukhang masaya ang princess namin dito ah! Hyper na hyper!" Sabi ni Mommy na galing sa kusina  

"haha.. Hay nako, sinabi mo pa,Hon. Siguro nga hindi na yata yan nakatulog dahil sa sobrang excited pumasok. Tignan mo, full of energy pa." Natawang sabi ni Daddy sabay higop ng kape.

Kung alam mo lang Dad na ayaw na ayaw kung pumasok ngayong araw. 

Kung pwede lang sana wag pumasok eh d naaku papasok. Kaya lang may project kami ngayon  kaya hindi pwede  na hindi ako pumasok.  Hmmmmp 

"Uy grabe naman po, daddy. Hindi naman po." Sabi ko

"Ikaw talagang bata ka" Sabi ni mommy

"Haha. Nga pala, kumaen na po ba kayo, Manang? Tara Kain na po" Inaya ko si Manang at tinapik ko yung upuan na nasa tabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Gangster BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon