Mainit ang panahon at halos kinukuha ng init ang bawat enerhiya sa katawan ko. I'm not so sure if I can still live this weather until later! Idagdag pa rito ang maingay na boses ng aming professor sa harap. Is she not getting drained by the sun's heat?
Tumayo na ako sa kinauupuan ko na umagaw ng atensyon ng lahat.
"Ang init! Wala ba kayong mini fan d'yan? I'm getting tired of fanning myself!" I whined. Sure, immature it is. But I'll really die because of this heat! Kung bakit ba kasi mainit sa Pinas?
Halos lahat sila'y napa-ngiwi sa sinabi ko. I even saw some of my classmates roll their eyes on me like I said something ridiculous.
Or did I?
"E, 'di magpa-kabit ka rito ng aircon, madam. Problem solved, hindi ba?" sagot ni Tico, kaklase ko. He's the first person I've known since I moved in this place. Kaibigan kasi ng dad ko ang dad niya. I just don't get why he's sometimes mean to me just because of my status in life.
Our family runs one of most the famous Infrastructures Corporation in the country yet I'm here, stuck in a province I didn't even know exists. My dad is an industrial engineer while my mom finished Architecture, major in Interior Designing.
In my seventeen years in life, I've never been to a province so strange to me. Ang alam ko lang, dito lumaki at nagkakilala ang mga magulang ko—they didn't even let me familiarize this place first before sending me here for good.
Hindi ako sanay na puro damo at bakanteng lote ang nakikita ko tuwing lalabas ako't papasok sa eskuwela. Halos commercial buildings lang ang nandito at puro cheap pa ang mga binebenta kada puwesto. May mall mang malapit, isa lang naman at wala pa masyadong pagpipiliang branded items. Halos wala ngang bus na dumadaan dito, hindi ko alam kung bakit. Wala ding taxi, puro jeep lang, tricycle or cab. Hindi ko pa din alam kung saan pupwede gumala sa mga free time ko dahil wala namang sasama sa'kin na libutin ang lugar na ito.
"Atlas, tumigil ka," suway ng aming teacher kay Tico, "Hayaan mo na lang muna siya. Alam mo namang nag-aadjust pa siya sa lugar natin."
Ngumisi ako ng sarkastiko kay Tico na ngayon ay halos mangasim na ang mukha. Nang-aasar pa, talo naman pala.
Hindi ko alam kung ano'ng mayroon sa akin at lagi akong inaasar ni Tico. Ang napapansin ko lang sa kaniya, ayaw niya sa maarte dahil hindi niya naman ako pinapansin kung hindi ako nag-iinarte. Pasensiya siya, hindi naman kasi ako sanay sa buhay na katulad nila. I grew up in an enormous mansion with maids and everyone giving me everything I want. Now that I was sent here, halos gumuho ang mundo ko dahil parang tinanggal sa akin ang buhay na dati'y mayroon ako.
"Balita ko kay Tico nag-inarte ka na naman daw sa klase?" Tanong ni papa sa akin. Inirapan ko siya dahil alam ko na kung saan ito patungo.
I get that they want me to learn how to live a simple life. Na tinatama nila ang pagkakamaling nagawa nila sa pagpapalaki sa akin. Ang Tico always... always tells them how maarte I am in our school. He'd tell them how I despised our school's comfort rooms because it's so madumi, how I disliked the foods in our cafeteria because it isn't as classy as those in the fancy restaurants I always eat on. And... of course, ang kainitan sa loob ng public school na masikip at maliit.
"Bakit ba kasi ayaw niyo akong lumipat ng school, dad? I heard from Aling Ira na may malapit na private university naman dito sa atin." pakiki-usap ko kay Dad. When it comes to my wants, si dad ang mas madali kong napapa-oo. He's softer to me compared to my mom.
"Ask your mom, Nicolette," sagot nito, "You know that we're doing this for you. At kapag sinunod ko na naman ang gusto mo, masasa-walang bisa ang pagpapa-punta namin sa'yo rito."
Napa-irap ulit ako sa sinabi ni dad. They really want me to have a 'simple' life by depriving me the things I used to live my life for. Humalukipkip ako at halos kinakalma na ang sarili. For sure, hindi magiging ganito si dad kung walang nagsusumbong sa kanya. Kapag patuloy niyang nalalaman na hindi ako nagbabago, hindi niya ako pagbibigyan sa kahit anong gusto ko.
That damn Tico!
Bakit ba kasi ang likot ng bibig niya? And how come I didn't see him say those things to my dad? Pagka-uwi ko'y alam na agad ni dad ang lahat ng nangyayari sa akin sa eskuwela. Tila ba living CCTV camera niya 'yong Tico na 'yon.
All my life I was free to do everything I want. I was free to have everything, at kapag hindi iyon nasunod, gagawa ako ng paraan para lang makuha ang bagay na gusto ko. Now, everything seems to be different.
I get that they want me to learn, that they want me to experience the things they had, and that they want me to appreciate simple things like these.
But really, asking someone to look after me and all the things I'm doing while they're not looking? It's hilarious! And Tico seems to love what he's doing. Kada uwian, lagi akong napapagalitan ni dad sa kaartehang nababalitaan niya kay Tico. And I couldn't do anything because he'd always make me shut my mouth up. Everytime I make arte sa school naman, hindi pumapalya si Tico sa pambabara sa akin. Tila ba nandidiri siya sa isang maarteng kagaya ko.
What is it that dad gave him or said to him, to make him do these things to me? Willing na willing siyang isumbong ako't pagtuonan ng pansin sa buong klase, pero para saan?
I must know these things and make sure that he's never gonna open his mouth to my dad again. This night, I'll push every little juices in my mind to create a plan and know what Tico has in mind. Kung bakit ang bilis niyang um-oo kay dad, at kung bakit willingn siya sa ginagawa niya.
Oh, Atticus, get your ass ready for me.
BINABASA MO ANG
Mystic Falls
RomanceHer name's Ursula Nicolette Olivarez. The elegant, sophisticated, and dashing daughter of Cinco Olivarez, eased her titles by falling so hard that she couldn't stand now. But... how did she fall? Was it because of his charms? His aura? The thought o...