Chapter 24

436 12 0
                                    

Ashli's P.O.V
Kinabukasan

"Ma'am Seo" pagtawag ko kay Ma'am Seo habang papasok siya sa kwarto ko.

"Ija, nandito na yung mga test papers mo pati na din yung mga notebooks mo, sige na iwan na ulot kita at madami pa akong gagawin sa skwelahan" sabi ni Ma'am Seo at umalis na sa kwarto ko.

Naupo naman ako sa study table ko at saka sinagutan yung mga test papers, syempre hindi ako nandaya wala kahit anong kodigo dito masama kasi yun.

Pagkatapos ko sagutan yung mga test papers nilagay ko kaagad yun sa table ni Ma'am Seo sa office nya, para ma-check kaagad yung test paper ko at para magawa ko na din yung mga clearance ko.

Pagkatapos ko ilagay yung mga test papers ko bumalik na kaagad ako sa kwarto ko at kinuha ko yung jacket at black mask ko pati na din yung glasses ko na pa-bilog yung shape niya at saka ako lumabas ng Principal's Office.

Lilibutin ko muna yung buong school tutal tapos na din naman ako sa mga gagawin ko saka titignan ko na din kung may problema ba sa school para maayos na kaagad.

Una kong nilibot yung canteen, at sumunod naman yung lobby, pagkatapos ko sa lobby agad akong nag-punta sa garden at na-upo muna ako sa may bench.

Hayst nakakapagod din pala kapag palakad-lakad.

May nakita akong dalawang babae na paparating dito at mukhang mag c-cutting sila kaya agad kong hinila yung bag nung isang babae.

"Ahh! bitawan mo nga yung bag ko! bitch!" sabi niya habang tinanggal niya yung kamay ko sa bag niya.

"Oras ng klase, bakit kayo nasa labas?" tanong ko

"Wala ka na doon! bitch!" sabi niya pa

"Baka nakakalimutan mo-----" naputol yung sasabihin ko ng biglang may mag-salita sa likod ko.

"Cassie and Rosie Kyze, oras ng klase bakit kayo nasa labas?!" tanong ni Yoongi na may pagka-mataray

"Si Rosie kasi inaya akong mag-cutting" sabi ni Cassie

so Rosie pala pangalan ng bitch na ito, maka-sabing bitch sa akin akala mo naman kung sino siya, kapag nalaman lang ni Yoongi na ako ito, humanda ka na.

"Rosie you have a punishment, lilinisin mo yung buong canteen pati na din yung Principal's Office at lobby hanggang pirmahan ng clearance, walang aangal baka gusto mong mamatay na, lalo na't wala ka pang grupo, baka pag-initan ka ng grupo k at grupo nila Zyle, start now!" sabi ni Yoongi

"Yes po, Sir Min" sabi ni Rosie

"Ikaw naman Cassie, kung ayaw mong magaya dito sa magaling mong pinsan, pumasok ka na sa klase mo ngayon, lung ayaw mong malintikan" sabi ni Yoongi

"Opo" sabi ni Cassie at umalis na sila ni Rosie

"And you..." sabi ni Yoongi

Tinuro ko naman yung sarili ko, bawal akong mag-salita baka makilala niya ako.

"Sino pa ba? ede ikaw, ikaw lang naman kausap ko, diba?!" mataray na sabi niya

Ang taray mo naman, letse!

"Yoongi, pinapatawag ka ni Ma'am Seo sa Office niya" sabi ni Mark kaya agad namang nag-punta si Yoongi doon

Pagka-alis ni Yoongi naka-hinga naman ako ng maluwag at parang may nabunot na tinik sa dibdib at lalamunan ko.

"Muntikan na ako doon, hayst" sabi ko

"Bakit ba kasi ayaw mo ipaalam sa kaniya na nanduto ka pa, na buhay ka, na ligtas ka, na---" pinutol ko yung sasabihin niya napaka-ingay ng batang ito grabe.

My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon