chapter 1: tagapagbantay

6 1 0
                                    

Siera.

"Magandang umaga tagapagbantay "

"Magandang umaga din"

Dali-Dali akong  tumakbo sa tabing ilog, hmmm.. ang sarap ng Simoy ng hangin napaka sariwa, sana wala bg magputol ng puno para wala na ding mamatay na tagapagbantay kung magkataon, alam ko naman kakailangan ng Tao ang puno ngunit napakahirap bang itanim ang kanilang pinutol?

"Tila malayo ang yung iniisip siera?"

Napatingin ako kay Magus ang masungid Kong manliligaw , biro lang.

"Magus! Napaka pakielamero mo!"

"Hahaha! Ang napakagandang tagabantay kasi palagi Kong naiisip "

At ngumiti siya kaya nginitian ko din siya , siya si magus isang ganap ng tagapagbantay ng karagatan.

"Bakit ka pala naparito? Ako'y hindi naniniwala na pumunta ka dito dahil sakin!"

Kilala ko na itong si magus marahil ay inutos sa kanya ng kanyang lola na humingi lang ng kaunting katas ng mahiwagang prutas

"Kilala mo na talaga ako at marahil alam mo na ang gusto ng lola "

Ang mga tagapagbantay na tumanda na ay nawawalan na ng kapangyarihan. Ang kanilang kapangyarihan ay  ipapasa sa susunod na tagapagbantay , nakakalungkot lang na tila mortal din kami ngunit di nakikita ng Tao.

Nagpaalam na siya upang kuhain ang mahiwagang prutas , marahil ay nagkasakit nanaman ang kanyang lola. Madalas nagkakasakit ang mga matatandang tagapagbantay kapag napakadami na ng napuputol ang mga Tao na puno , Gustuhin man ng ibang tagapagbantay na parusahan sila ay hindi nila magswa dahil hindi pa sila ganap.

"Mahal na tagapagbantay may paparating na magtotroso!"

Di mapakaling sabi ng kaibigan Kong puno . Nakakainis! Di ba sila napapagod? Sinisira nila ang pinangangalagaan ko!

"Paano na iyan Mahal na tagapagbantay wala ka pang kapangyarihan dahil di pa tapos ang iyong pagsasanay"

"Huminahon muna kayo mga kaibigan di Ito ang oras para magkagulo aking tatawagin ang makapangayrihang tagapagbantay!"

Dali-Dali akong nagtungo sa mahiwagang templo. Di ko alam kung narito ang makapangyarihang tagapagbantay dahil madami din siyang sinasanay na mga tagapagbantay maaring mga tagapagbantay ng mga tubig ito? Ngunit kailangan namin ng tulong ngayon.. sana andito ang makapangyarihang tagapagbantay

Inikot ko na ang buong kagubatan ngunit hindi ko siya nakita, kung  kailan kailangan wala siya ngunit kapag papagalitan ako andiyan siya agad.

"Pagpasensyahan mo na Mahal na tagapagbantay ngunit umalis na ang nagtotroso pagkatapos nila ubusin ang napakaraming puno"

Napaluhod nalang ako sa pagod , hindi Maari nasisiguro Kong may namatay na tagapagbantay ngayon at maraming magkasakit na matatandang tagapagbantay.

"Siera, bakit napakaraming naputol na puno?" Galit na tanong ng makapangyarihang tagapagbantay

"Pasensya na po makapangyarihang bantay , hindi ko po kayo nakita "

"Sige at ikaw ay magtanim na ng puno at matitikman no ang Parusa mo konabukasan"

at bigla na siya naglaho.
Minsan talaga may pagkatanga yung makapangyarihang diwata akala niya ba may kapangyarihan ako? Paano ko iyon mapipigilan ?

unexpected love missionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon