Unang Pahina

17K 61 0
                                    

Alas singko ng umaga ng mag alarm ang cellphone ko. Dumilat ang mga mata ko at nag unat. Di muna ako tumayo dahil inaantok pa ko pero katulad ng mga normal na lalaki, tayong tayo ang ari ko ng magising ako. Tigas na tigas na akala mo bakal sa pagkakatuwid. Naka 12:00 o'clock ang posisyon. Hinayaan ko na lang.

Maya maya konti ay tumayo na rin ako para mag ayos ng higaan ko at deretso muna sa banyo para magbawas at magmumog. Pagkatapos umihi ay dumeretso naman ako sa kusina para maghanda ng almusal ko. Nagprito ako ng binating itlog at isinangag ko ang natirang kanin sa rice cooker ko kagabi. Pagkaluto ay saka naman ako nagtimpla ng kapeng walang gatas. Pagkatapos kumain ay iniligpit ko na ito sa kusina at wala na ako oras maghugas dahil gagahulin na ako at kailangan ko ng maligo kaya dumerecho na ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo ay isinuot ko na ang damit kong kagabi ko pa inihanda. Ganito ang araw araw na nagyayari sa buhay ko tuwing papasok ako sa trabaho. Malayo ang pinapasukan ko kailangan ko pang sumakay ng jeep papunta sa trabaho. Mula pasay ay kailangan kong magjeep papuntang Malate mula lunes hanggang biyernes.

Ang pinapasukan ko ay isang opisina na nagpapadala ng mga OFWs sa ibang bansa. Lahat ay mga land based workers ang kailangan namin depende kung anong job offers mula sa mga dayuhang employers.

Nasa kanto na ako ng Taft Ave. Pasay para pumara ng jeep. Araw ng lunes, alas sais ng umaga. Marami na ring nag-aabang ng masasakyan, mga manggagawa sa konstruksyon, mga empleyado at mga estudyante. Karamihan ng napapara ko papuntang Mabini/Quiapo ay punuan na. Kaya lumakad ako ng konti pasalubong sa mga pinanggagalingan ng jeep.

Ayos nakasakay rin ako. Napaupo ako bandang kaliwa at pangalawa sa huli. Medyo maluwag pa kaya kampante pa ako. Maya maya konti ay napuno na rin ang jeep. Siyaman ang kapasidad ng jeep kaya bago pa man umabot ng Libertad ay punong puno na kami. Ang nasa kaliwa ko ay isang matandang lalaki at sa kanan ko ay isang babaeng nakaputi. Marahil ay isang estudyante ng medisina.

Inabot ko na ang bayad kong sinkwenta pesos. Sumunod rin ang katabi kong babae sa kanan ko. Inaabot ko rin ang bayad nya. Dumating na rin ang sukli ko at inilagay ko sa bulsa ko sa kanang pantalon. Naramdaman kong umusog sa aking tabi ang babae sa kanan ko. Siya yung nasa hulihan ng upuan. Hindi ko pinansin kasi nasa isip ko baka nasikipan siya kaya umurong din ako konti ng pakaliwa. Pagkalagpas ng Libertad ay bumaba na ang katabi kong matandang lalaki pero may sumakay uli. Mag-ina na kumandong ang anak na batang lalaki. So, napaurong uli ako sa kanan para bigyan ng kaluwagan ung mag-ina sa kaliwa ko. So normal na naman na mapadikit uli ako sa katabi ko sa kanan, ung nakaputing palda at puting blusa na estudyanteng babae. Siguro ay nasa edad 18 o 19 na sya.

Napansin ko sa tuwing magpe preno ang jeep ay parang nadudulas ang babaeng katabi ko papunta sa akin o sadyang sa lakas lang ng impact ng preno ng jeep. Kasi medyo bumilis na ang takbo ng jeep sa Buendia kaya paharurot na magpatakbo ang driver. Nung mag-U turn na ang jeep ay doon ko napagtanto na ang kada pagkakataon na mapapadikit ang hita ng babae sa hita ko ay mariin at may kasamang paggalaw ng laman para maramdaman ko.

Medyo nagblush ako pero di ako nagpahalata. Tinignan ko siya, ang ganda pala ng mata nya, ang ilong at makinis na mukha at maalon na buhok. Simple lamang sya walang make up. Isang back pack dala nyang bag na itim. Nakapatong yun sa hita nya at hawak ng kaliwang kamay nya at yung kanang kamay nya ay nakakapit sa may pintuan. Medyo matagal ang pagkakatitigan namin siguro 10 segundo at naramdaman ko na namang nagpagalaw sya ng laman sa hita nya habang nakatingin siya sa mata ko.

Ang Aking Karanasan sa JeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon