Chapter 1: New School

29 1 0
                                    

~Jenny's PoV~

Ako nga pala si Jennifer Reign Mercado, isang simpleng babae na nag-aaral sa isang simpleng school, Brave Rights Academy. Ako ay 3rd year highschool, 15 years old. Late na po kasi ako nag-aral. Syempre wag niyong tatanungin kung maganda ako, sakto lang kasi ako. Di ako kasing sikat ni Greg. Si Gregory Ben Rodriguez. Sobrang sikat.

Nakilala ko si Greg dahil pinag tsitsismisan nung mga babae bago ako pumasok.

Pumasok ako sa school entrance tapos biglang nagtitilian ang mga over acting na mga babae. Wow ganun pala ako kasikat? Perfect timing, tapos biglang nauntog ako sa isang side ng pintuan, yun pala si Greg yung pumasok. Ang sama naman! Porque sikat akala mo kaya nya gawin lahat, palibasa kasi hindi ko makita mukha kung gaano kapogi! Tapos yun pala humarap sya sakin at biglang nagtaas kilay, ano toh parang walang alam? Pogi nga masama naman! Kakainis, first day of school sobrang malas ko na talaga! Sana naman hindi ko siya kaklase, at sana naman 4th year na sya! Tapos may humila saakin, siya nga pala si Sabrina Tonette Hampaslupa.

"Hoy! Wag ka na makisalo sa mga patay gutom sa kapogian nyan!" Sabi nya habang hinila nya ako papuntang CR. Infairness ha! Malinis at mabango.

"Ah.. Okay." Sabi ko habang naghuhugas sya ng kamay tapos bigla na siya nagpakilala "Ako si Sabrina Tonette Hampaslupa." At syempre nagpakilala na din ako.

"Hayaan mo sila. Mag-sasawa din sila dyan." Sabi nya. "Huh? Kanino?" Dagdag ko.

"Kay Gregory. Nakakainis na kasi pag kinakausap mo sya parang bata! Pilosopo pa!" Sigaw nya nung nasa CR kami.

"Uy baka may makarinig." Sabi ko.

"Hayaan mo sila. Halos 90% ng babae sa school may crush sakanya."

"So.. Punta na tayo sa klase baka ma-late pa tayo." Sabi ko.

"O sige. Halika na." sabi nya na may ngiti.

At ako ay isang nerd. Nagsusuot ng salamin at matalino. Lagi nga ako 2nd honor pero di ko lang talaga kaya maging 1st place. Mahaba buhok ko, payat, sana nga naging simple lang ang kagandahan ko kagaya ni Sabrina. Eh marami akong pimple dahil sabi nila nagkakatigyawat ka daw pag in love ka. Ang dami ko palang love! Date ang kinis kinis ng pagmumukha ko eh biglang tinubuan ng mga tigyawat...

Nung umalis na kami sa banyo, halos lahat pala ng tao nagsialisan na sa kapogian nung suplado na yun. Tapos pumasok na kami at bigla na ring pumasok ang teacher.

Biglang nagsitinginan yung mga students.

"Hala nagdudugo." Sabi ni Sabrina. Noo ko pala.

"Ba't di mo napansin kanina?" Tanong ko habang paupo na ako. Tapos may gasgas pa ung mamahalin kong salamin.

"Eh bukol pa lang eh, wala pang blood." Sabi niya. Ay shet talaga, katabi ko pa si suplado. Nagdodrawing. Wow anime talaga ah. Galing. Nandyan na pala yung teacher tapos tinanong nya kung ano nangyari bakit may nagdudugo sa noo ko.

"Ma'am kasi po si-" biglang nagpause yung pagsasalita ni Sabrina tapos nagtaas kasi ng kamay si Greg.

"Yes Greg?" Tanong ni ma'am Claire sakanya na pinatayo siya..

"May I go out?" Sabi nya. Putek talaga to oh! Kala ko sasabihin nya sya may kasalanan! Yun pala mag-gogo out. Tinuloy na ni Sabrina kung ano yung nangyari. After ng ilang minuto, napansin ko di pa bumalik yung suplado na yun. Tapos yun pala kumuha ng band aid ang Greg. Binato sakin, parang basketball player ba ako sakanya eh inde nga ako marunong magsalo!

Tapos nag thank you ako sakanya. Di pa talaga namansin. Bakla ata, ung bandaid kulay pink.

"Okay class, can we start the introduction?" Sabi ni miss Claire Mendoza.

My Weird CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon