Chapter 2: My Bestfriend

18 1 0
                                    

~Jenny's PoV~

Nakakainis! Pinababa ako ni manong driver. Hayy, naka-heels pa nga ako tapos maglalakad pa ako! Di nga ako sanay sa heels.

"Come in." Sabi ni.. Greg?

"Ha? Bakit?" Tanong ko.

"You might break my sister's shoes."

"Okay. San ka pupunta?"

"My friend's house. Come with me there." Ano daw? Ha!?

"Ahh.. Wag na. Lalakad na lang ako."

"What the hell is wrong with you!? Just get in!" Galit na siya.

"Oo na."

Pumasok na ako sa mamahaling car nila. Talagang wala siyang pake bakit. Hayy, di pa ako kinakausap.

May tumawag sa Samsung Galaxy S2 ko, si Amanda Tonya. Yun si Ana. Childhood friend ko, di ko muna sinagot baka mamaya takpan pa ako sa bibig ng tape ni suplado, o kaya sirain cellphone ko.

Nakadating na kami sa bahay ng kaibigan niya. Simple lang.

"Hi Jenny!" Huh? Si Sabrina?

"Ba't tayo pumunta dito?" Tanong ko bigla kay suplado.

"Magka-childhood friends kasi yung mommies namin." Sagot bigla ni Sab. Di naman siya yung tinanong ko. "Ganda mo ah." Dagdag ni Sab.

"Thanks. Oo nga pala, ba't ka absent?" Tanong ko.

"Uh.. May sakit kasi si mommy. Kaya bumisita din si Greg."

Pumasok na kami sa bahay nila tapos walang ginawa kundi manood ng Pure Love sa ABS-CBN. Mga adik. Di kasi kami nanonood nyan. Puro English lang talaga.

Pagkatapos nun umuwi na kami nung nakamusta na namin yung nanay ni Sab. Buti nakuha ko na din cellphone number nya.

Di pa rin ako pinapansin ni suplado. Nakikita ko namang mabait siya pero ayaw talaga mamansin. May problema ata.

Alam niya pala kung saan bahay ko. Nakita ko bukas ilaw. Lumabas na agad ako, di na nagthank you. Di naman kasi papansinin.

"Di ka magtethank you?" Sabi nya. Talaga oh! Wrong timing.

"Thanks." Sabi ko tapos pumunta na ako sa bahay nang nandun si Jenna. Nanonood ng Asia's Next Top Model Season 2. Basta may fashion at models manonood yan. Ewan ko sakanya. Paboritong channel ko nga National Geographic o kaya Animal Planet. Kasi mahilig ako sa hayop. Pero pag nag-alaga ako mamatay din.

"Ganda mo ate ah." Sabi ni Jenna.

"Thanks. Nasan si mama?" sabi ko.

"Nagpa-ultrasound. Excited na ako kung boy or girl!"

Excited din naman ako. Pero sana boy naman. Puro babae na lang. Hayy, nakinood na lang ako. Wala kasi magawa gawa sa bahay. Eh yung IPad mini nga di magamit dahil walang internet. Kakabayad pa lang. Puro applications na may internet kasi ang lagi dinadownload ni Jenna. Tapos puro selfie pa niya. Naiinis nga sya dahil di nya pa ma-post yung selfies nya sa Facebook.

Nung natapos na yung Asia's Next Top Model Season 2, or ewan. Bigla na lang niya pinatay yung television. Tapos kumuha ng chichirya sa food basket. Nagbasa na lang ako ng libro. Yung Why We Broke Up. Ang ganda ng storya niya. May nakakaiyak, nakakainis at iba pa. Yun lang magawa. Tapos naglaro ng chess kasama si Jenna. Di man siya tinuruan, ang galing niya talaga mag-chess. Lumalaban pa nga sa ibang school.

My Weird CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon