Nakasandal ako sa may entrance ng bar habang nakapamulsa. Kating-kati na ang aking mga kamay at halos mapunit na ang dala kong envelope dahil sa higpit ng aking pagkakahawak.
"May gustong makipag-usap sa inyo Mr. Lee tungkol sa transaksyon ng mga armas." Dinig kong sambit ng guard sa isang lalaking umiinom ng alak at nakaupo sa may mesa..
Agad akong lumabas at hinintay siya sa likod ng lugar.
Nakita kong kumunot ang kanyang noo ng makita niya ako.
"Hunter? Anong ginagawa mo dito?"
Itinapon ko sa kanyang harapan ang envelope. Kinuha niya ito at nagulat siya ng makita ang mga larawan sa loob nito.
"W-wala akong kinalaman sa nangyari! Nakalimutan mo na b--"
Hindi ko mapiligang tumawa ng makita ko ang takot sa kanyang mukha.
"James, James, James...Ano ka ba naman kaibigan, andito lang naman ako para maningil ng utang." Untag ko at nanlilisik ang aking mga matang nakatingin sa kanya.
"H-hunter pag-usapan na'tin to, huminahon ka muna..." Nakita kong sinenyasan niya ang kanyang dalawang bodyguard.
Bago pa nila mabunot ang mga baril sa kanilang tagiliran ay ipinutok ko na ang hawak kong baril na may silencer sa kanilang mga noo.
Tinutukan niya ako ng baril at ipinutok ito sa akin ngunit agad akong nakaiwas. Tumakbo siya papuntang parking lot.
Tumawa ako ng malakas. Hindi ka makakatakas sa 'king ulol ka. Nakaplano na ang lahat, lintik lang ang walang ganti.
Natamaan ko ang paa niya, napahiyaw siya ngunit patuloy lang siyang gumapang papunta sa kanyang kotse. Babarilin niya ulit sana ako ng makalapit ako sa kanya.
Hinampas ko ng baseball bat ang kanyang ulo dahilan ng mabitawan niya ang baril. Sunod kong hinampas ang kanyang mukha, napuno ito ng maraming dugo.
"T-tama na."
Napahalakhak ako ng magmakaawa siya. Nagawa pa talaga niyang magsalita.
"Nung nagmakaawa siya sa inyo, tumigil ba kayo!?"
"Ano bang pinagsasabi m--" Hindi ko siya pinatapos at galit na galit kong tinadyakan ng malakas ang mukha niya.
Hindi ko pinansin ang babaeng sumigaw dahil nakita niya ang ginawa ko, agad din naman itong tumakbo.
"Naalala mo ba kung pano niyo ito ginawa sa kanya!?" Nilaslas ko ang kanyang kilay gamit ang maliit na patalim hanggang sa lumabas ang laman nito.
Sigaw lang siya ng sigaw. Hindi na siya malakalaban sa akin dahil sa panghihina ng kanyang katawan.
"Shhhhh! Tumahimik ka nga! Para kang kinatay na babo---" Hindi ko naituloy ang pagbaril sa kanyang bibig ng may humampas sa aking ulo.
________________________________
Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang lamig ng bakal na aking inuupuan. Sumasakit ang ulo ko.
Nahihirapan rin akong gumalaw, hindi ako makatayo. Sinubukan kong ilusot ang aking kamay na nakaposas sa likod nang biglang bumukas ang pintuan.