Chapter 1:

13.1K 141 0
                                    

Napagpasyahan kung mag paalam sa boss ko na maaga akong uuwi dahil may pupuntahan pa ako. 3 taon na din naman akong nag ta-trabaho sa kanya bilang secretary. Hindi ko din alam kung bakit mabait ito sa akin. Magaan lang ang trabahong binibigay nya.

"Susunduin mo ba yung anak mo?" Tumango ako sa kanya bilang sagot.

"Sige, mag iingat ka!" Kunti nalang iisipin ko na talaga na may gusto sakin yung boss ko, buti nalang di kami talo.

"Out kana?" Tanung sakin ni mark, pag pasok ko ng elevator. Lalabas din siguro ito para mag lunch.

"Oo eh, na-update ko na din naman si boss sa mga meeting nya ngayon eh. Tyaka kailangan ko sunduin si bell ngayon." Tumango-tango lang sya bilang pag sang-ayon.

"Mauuna na ako mark, pakisabi nalang kila jessa mamaya na nauna na ako. Salamat!" Pag labas ko ng building pumara agad ako para sakto ang dating ko dun.

"Mamaaaaaa" napangiti ako sa sigaw ni bella sakin. Tumatakbo itong lumapit sakin.

"Mama look, mayami akong stay" natawa ako sa anak ko, bulol pa ito sa letrang R . Napahagikgik ako ng mahina, dahilan ng ikinasimangot nya.

"Mama just happy, dont be sad." Tumango tangi ito, kinarga ko sya di pa naman sya masyadong mabigat.

"Pupunta ba tayo kila ninang ganda?" Nakakunot nuong tanung nya. Tumango ako. She was reffering to my friend wilma.

"Mama, malapit na ako mag fouy" masayang sabi nya sakin tinaas nya pa yung apat na daliri nya.

"What do you want bella?! Para mapag ipunan na ni mama!" Tinaas taas ko pa yung dalawang kilay ko.

"I want jollibee and ice cyeam. But i am yeally yeally happy if my daddy is with us." Napatingin ako sa kanya. Panu ko ipapakilala yung ama nya sa kanya. Kung sya mismo ayaw makilala ni drake!

"Bella?" Tawag ko sa kanya, kita ko ang sakit sa mata nya, wala naman akong magagawa. Ayukong maranasan nya na ipagtabuyan. Tama na sakin yung pinaramdam ni drake. Ayukong maranasan yun ng anak ko.

"Mama soyyie," malungkot na sabi nito. "Naiingit kasi ako sa mga classmate ko" umiwas ako ng tingen sa kanya.

"Ganito nalang, pag birthday muna punta nalang tayo sa beach. Isasama natin sila ninang ganda mo pati yung baby nya." Pilit kung pinasigla yung boses ko.

"I want white sand, mama!" Tila excited na anas nito.

"Anything you want baby." Pag sa mga ganitonh bagay di ko kailangan tipidin si bell. Tama lang naman yung sini-sweldo ko para mabuhay kami. Nababayaran ko naman yung apartment na tinitirahan namin. Tyaka may ipon na din naman ako. Gusto ko ibigay sa kanya yung mga bagay na kahit ako lang. Kaya kung i-provide.

Sa tatlong taon na pagiging ina ko. Dun ko napatunayan na wala kang ibang hihilingin kundi ang kaligtasan at kasiyahan ng anak mo.
Di ko man mabigay yung pag mamahal ng isang ama kay bell. Pero alam ko na balang araw maiintindihan nya ako.

"Mama, sad ka po ba?" Pinilit kung ngumiti.

"What now?" Tanung ko

"Much better, kasi nakangiti kana." Humagikgik pa ito. Dahilan para pang-gigilan ko sya at halikan ng halikan.

My ex got me pregnantWhere stories live. Discover now