Hindi ko alam kung may lalapat na maayos na salitang gagamitin ko sa aking karanasan.
Siguro walang salita ang babagay sa akin, sa mundo ko.
"Bakit mo nagawa yon?" Tanong ko sa kaibigan ko habang umiiyak.
Imagine? Sariling kaibigan lolokohin ako alam niyang boyfriend ko tapos syosyotain niya.
"Sorry hindi ko ginusto iyon, maniwala ka kinukulit lang niya ako tapos lagi siyang nagtetext sakin hanggang sa nahulog na ako" nakayukong sabi niya.
Sa mga oras na yan nasa loob kami ng comfort room sa school para walang makaalam ng nangyayari kahit niloko niya ako hindi ko pa rin siya kayang ipahiya sa mga classmate namin dahil kaibigan ko pa rin siya at babae rin kagaya ko.
"Alam mong may girlfriend na papatulan mo pa, akala ko iba ka sa mga naging kaibigan ko yun pala ganoon ka rin" Gustuhin ko man siyang saktan sa mga panahon na yon hindi naman kaya ng katawan ko hinang hina ako sa mga oras na yon dahil sa nalaman ko.
Hindi lang isang beses nangyari sakin yan kundi tatlo, tuwing magkakaroon ako ng boyfriend laging inaagaw ng mga kaibigan ko ewan ko ba kung bakit siguro sa inggit.
Minsan napapaisip na lang ako, ano ba ang kainggit inggit sakin at ganoon sila? May nagawa ba akong mali? Bakit mas masaya bang karelasyon ang mga kaibigan ko kaysa sakin?
Madami akong tanong sa aking isipan ngunit ni isa wala akong makuhang sagot."Sorry first time kong magka-boyfriend kaya ganoon ang nangyari" umiiyak na sambit niya.
Huminga na lang ako ng malalalim at pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko.
"May magagawa pa ba ako? Nangyari na ehh" pagkasabi ko ng mga salitang iyan ay lumabas na ako sa comfort room.
Grade-9 ako nang mayari iyan sa buhay ko at hanggang ngayon hindi na ako nagboyfriend, may nagtatangkang manligaw ngunit hindi ko pinapayagan siguro sa takot na maulit muli ang pangyayaring iyan.
Lumipas ang ilan buwan nalaman ko na lamang na buntis ang kaibagan ko, oo kaibigan dahil maayos naman kami ngunit nakakalungkot lamang na hindi na siya makakapag-aral.
"Nagloloko ka ba sa pag-aral mo? Bakit may bagsak ka?" Tanong sakin ni mama pagkauwi ko ng bahay.
"Hindi" maikling sagot ko.