My Bestfriend, My Boyfriend (One Shot)

1.1K 32 18
                                    

Happy-go-lucky at halos walang problema. ‘Yan ang tingin ng lahat kay Cherrie. She always smile to everyone she meet. But it’s just her way of hiding her real feelings that only her close friends know.

Mahigit isang taon na ang nakakaraan ng maghiwalay sila ng first boyfriend niya. Si Zyn. He was also her first love kaya hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya kaunti.

She met him during third year high school. Isang taon siyang niligawan nito,and they’ve been together for more than 2 years. Kaya halos umabot na ng isang taon ay halos hindi parin siya maka move-on. Samantalang ang kulugong ex-boyfriend niya ay nakikipagharutan na sa ibang mga babae.

Drat!

“Oh! Cherrie! Lumilipad na naman ang utak mo?” si Lin, isa sa close friends at classmates niya.

Third year college na siya, taking BS Accountancy. Hindi naman siya masyadong bobo kaya umabot siya hanggang third year.

Naka-upo siya sa isa sa mga bench na malapit sa soccer field habang pinapanood ang practice game ng soccer team nila. Captain kasi ng soccer team ng kanilang university and bestfriend/kababata/kuya at kung anu-ano pa sa buhay niya na si David John Montez o Dave.

“Heh! Ina-analyze ko lang ang game nila Dave noh.” Pagpapalusot niya.

“I know you Cherrie. Hindi ka ganyan mag-analyze ng mga bagay-bagay. Si Zyn na naman ba?”

“Let’s not talk about him Lin. I already moved-on.”

“No. You’re not. Kung talagang naka move-on ka na hindi ka na masasaktan at magre-react ng ganyan tuwing nababanggit si Zyn.”

Her friend was right. But she believe in the saying ”time heal all wounds”. Nasasaktan pa nga siguro siya, pero hindi na masyado.

She knew better na mas nasaktan ang pride niya sa ginawang harapang panloloko ni Zyn sa kanya noon. He maybe her first love, but she’s not that stupid to stay in a relationship na alam na niya kung paano matatapos.

“Why don’t you let yourself fall again Cherrie?” si Ellen isa pa niyang kaibigan.

“At masaktan ulit? No thanks.”

“Walang nagmamahal na hindi nasasaktan Cherrie.” Ani Charm.

“It’s normal. Alien ka kung hindi ka nasasaktan. It’s part of growing up.” Si Mary.

Natigil ang pag-uusap at panenermon ng mga dakilang kaibigan niya sa kanya ng lumapit sa kanila si Dave.

“Oh! Busy ata kayo ahh! What’s your topic all about?” tanong nito.

“Duh! It’s all about Cherrie and her oh-so-loyal ex-boyfriend. Nothing new.” Si Charm.

“Nah! Don’t mind them ‘yat.”

 ‘yat ang tawagan nila ni Dave since childhood.

“Ikaw naman kasi ‘yat, bakit hindi na lang kasi ako ang mahalin mo. Matalino naman ako, mas gwapo ako kaysa sa kutong lupang ex mo, mayaman, captain pa ako ng soccer team. Ano pang hahanapin mo?” inakbayan pa siya nito.

Nsanay na siya na lagging ganon si Dave. He didn’t find it hard to fall for him; in fact she had fallen for him already. Matagal na. Pero ayaw niyang sabihin dito, dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. She kept her feelings for him for a very long time, and she will continue to do that for the sake of their friendship.

“Aba! Lumakas ata ang hangin ah!” natatawang sabi niya. Umakto pa siyang parang natatangay ng malakas na hangin. Nagtawanan na din silang lahat.

My Bestfriend, My Boyfriend (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon