Kabanata 3

28 4 6
                                    

WARNING!!!
- Dahil nakalimutan ng magandang otor na mag warning bago magsimula ang storya ay pag pasensyahan nyo na..
- Paalala na ang storyang ito ay may halong aksyon at katangahan ng hindi kagandahang bida..
Wag kayong mag-expect na palibhasa may warning ehhh mga bed scene ang inyong mababasa.. Ako po ang pinaka inosenteng otor nyo na hindi alam kung sino si CeCeLib at Jonaxx (=_=)
-Ang mga pangyayari rito ay galing sa aking kathang isip maliban na lamang sa mga pangalang nagmula pa sa mga pinsan ko at pinagbotohan
-Kung may makita man kayong magkaparehong scene na alam kong di maiiwasan ay itahimik nyo ang kamay nyo na mag comment ng kung ano ano tungkol sakin.. Alam kong maganda ako pero wag nyo ko pag pyestahan okieee?
- Ang mga mababasa nyong pangyayari ay nakukuha ko sa TV at minsan ay naglalaro lamang sa aking utak.. Wag nyo akong igaya sa mga peymus otor na unique dahil may sarili silang plot ng storya
-Wag nyong huhusgahan ang storya kayo dahil kung ayaw nyo tong basahin ay free kayong lumayas dahil di ko kelangan ang mga mambabasang laitera...
-At maniwala po kayong nagsisinungaling ako ng sinabi kong inosente ako... Yun lang.. salamat!

-Fr: magandang author--Azial

●●●●●●●●●●●●●●●

[Reyna Archer]

Walang buhay akong pumasok sa classroom namin at tumabi kay cane

[Credits- Science teacher for the name(Tornado and Hurricane) ^_^]

"Nakasimangot ka jan?" puna ni cane sakin

"Hmp! Basted na naman ako jan sa kambal mo"

"Wala kang pagasa dun dahil may mahal yung iba..kamuka mo nga ehh" bulong nya na narinig ko ulit

Kamukha ko daw? Edi wow!

Hindi ko sya pinansin nang bigla syang nagsalita

"Handa ka na ba?"

"Handa? san ba may kainan?" may fiesta ba rito? bakit may handa

Binatukan nya ako kaya hagya akong napadaing

"Pupunta na tayong GL mamaya.. maghanda ka,baka makita ka nila at pag tripan..wag ka na lang mag pakita sa feeling mong may masamang intensyon"

"Okeeyy..sa paghahanda ko ba.. kelangan pa ng mga cake? o kaya balloons?" hihi, excited tuloy ako

"Anong?--Tch.. ang ibig kong sabihin ay ihanda mo ang sarili mo kasi baka mapahamak ka" naiinis na sabi nya

'Sila ang maghanda pag nakita ko sila'

Hindi ko na lang sya sinagot at binaling ko na lang ang tingin kay torn na kausap si Daphne

'Bakit ba kasi di mo ako makilala.. nagka-amnesia ka ba? mukang hindi naman'

Nang dumating ang prof ay humarap na ako sa unahan at nakinig sa discussion nya na nakakaboring naman

Pero isang malakas na pagtunog ng ringtone mula sa magandang babaeng tulad ko ang bumasag sa katahimikan.. Lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin at ang sasama ng tingin nila

"Hehehe..Sareh! Klasmeyts"

lumabas ako ng room at sinagot ang tawag

"Hello sino po ito?" magalang na tanong ko

"Na-alog ba ang ulo mo para makalimutan mo kung sino ako"isang baritonong boses ang bumungad sakin

"Ayy di pa naman po nababagot ang ulo ko pero Ang galing! kaboses mo ang kuya ko" masayang sabi ko

"Ofcourse..Im Aster Saffari" Kalmadong sabi nya

"Ang galing talaga! Pareho din kayo ng pangalan"

She's Courting The GangsterWhere stories live. Discover now