Poem #18: Paalam

7 1 0
                                    

Hindi ko alam itong nadarama
May halong takot at kaba
Ngunit hindi alam ang dahilan

Parang may mali, parang may kulang
Bakit kaya sya nagkakaganyan?
Hindi ko maintindihan

Umiiwas, lumalayo, nagtatago
Ito'y patuloy mong ginagawa
Sa tuwing ako'y malapit sayo sinta

Ako naman 'tong gaya-gaya
Umiwas, lumayo, at nagtago
Ngayon nama'y ako'y gulong-gulo

Kaya naman pala ganyan ka nalang umasta
Di mo naman nasabi agad, ikaw pala'y paalis na
Siguro nga ito na yung pagkakataong sabihin na...

Paalam aking mahal
Ako sana'y huwag mong kalimutan

A Poet's ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon