Sikat ako sa pagiging maangas at matinik pagdating sa babae, pero nang dumating ang isang Yna Lagaman sa buhay ko naging torpe na ako. Kailan ko kaya masasabi sakanya na gusto ko sya?
"Pare anong nangyari sa inyo ni Dianne kahapon? Nagkabalikan ba kayo?" tanong ni Reggie, ang bestfriend ko.
"Asa men! hindi ko na babalikan yung babaeng yun. Grabe! Kulang nalang magmakaawa sya sa akin kahapon ah. Tss." sabi ko sakanya.
"Hahahah! Iba kasing kamandag ang mayroon ka Renz kaya ganyan." Natatawa nyang sabi sa akin.
"MR. DE VILLA AND MR. ANGELES!! Baka gusto ninyong ibahagi sa klase ang pinag-uusapan nyo?!" nakita nanaman kami ng teacher na to? Araw araw nalang kami kung sitahin nito ah.
*Knock *Knock
"Mrs. Carossa, excuse lang po." Buti nalang dumating si Ma'am Diaz, naligtas kaming mapagalitan ni Reggie. Ayos to!
Lumabas yung teacher namin para kausapin si Ma'am Diaz, medyo napatagal kaya nagkaingay yung klase. Oo nga pala, Ako si Clarenz De Villa, pero mas kilala ako sa tawag na Renz sa klase namin. Chikboy daw ako kahit hindi naman, gwapo lang talaga ako. Yung kanina naman ay si Reggie Angeles, bestfriend ko since pre-elem hanggang ngayon na 2nd year highschool na kami.
"OKAY CLASS!! QUIEEEEET!!!" bungad sa amin ni Ma'am Carossa kaya natahimik kami agad.
"Mayroon kayong bagong magiging kaklase, iha pumasok ka na." Woots! May transferee? Maganda kaya sya? Maligawan nga kung maganda!
Pumasok yung bagong klasmeyt daw namin. Tapos nung humarap...
"Hi! Good morning. Ako nga pala si Yna Lagaman from ********* National Highschool. Nice meeting you all, sana maging friends tayong lahat." Tapos ngumiti sya ng napakagenuine...Ang ganda nya! Nakakasilaw sya sa sobrang ganda nya.
"Doon ka umupo sa tabi ni De Villa." tinuro ako ni ma'am tapos pumunta sya sa direction kung saan ako nakaupo.
*dug.dug.dug.dug.dug,*
ano yun? Bakit parang bumilis yata yung heartbeat ko?
"Hi. ikaw pala ang seatmate ko, anong pangalan mo?"
Seatmate ko sya? Ang galing naman! Pero teka nahihiya ako e.
"Clarenz De Villa." Sabi ko tapos yumuko ako.
"Nice meeting you Clarenz. Friends na tayo ha?" tapos nilabas nya ulit yung ngiti nyang kahit na sino hindi makakatanggi.
Dahil parang umurong yung dila ko, tumango nalang ako. Nahihiya ako sa kanya pero hindi ko alam kung bakit. Ano bang nangyayari sakin?
BINABASA MO ANG
YL is my love(short story)
Teen FictionIsang kwento na nagsimula at nagtapos sa cute na pagmamahalan. This is a highschool lovestory:D