FIELD

33 2 0
                                    

nandito ako sa field ngayon naghahanap ng pwedeng mapwestuhan...

"Yes ^_^ walang tao dito nalang ako tatambay" umupo ako at sumandal sa isang puno

"sheena!!!" tawag saakin ni kuya shayne at ate sheena mula sa second floor

"hello po sainyo ^_^" bati ko sakanila

"okay ka lang ba?" tanong ni ate lea saakin... nag thumbs-up nalang ako as a reply at umalis na din sila...

"makatulog na nga lang muna may 2 hours pa namang free time ehh"

nung nagising ako nagulat ako kasi nakita ko si lee na katabi ko pero hindi kami magkadikit...

"bakit ka nandito??" tanong ko kay lee na ngumisi lang...

"libre sumagot" asar na sagot ko...

"mas lalo ka palang pumapanget kapag tulog ka wahahaha" dahil sa panlalait nya saakin dapat lang siyang mabatukan...

"ARAY!!! SINONG NAGSABI NA MAY KARAPATAN KANG BATUKAN AKO!!" pag aangal niya

"ehh kung tigilan mo nalang kaya yang pang aasar mo..." sabi ko kay lee sabay walk out... ewan ko ba pero napangiti nalang ako bigla

*Lee's POV*

sayang naman bigla siyang umalis...sana lagi nalang siyang tulog para natititigan ko sya ng malapitan at matagal...hindi ko naman gustong asar asarin si sheena ehh kaso yun lang yung way ko para makausap siya... sa totoo lang ang ganda ganda nya talaga lalo na kapag nagagalit siya hahaha mas lalo lang akong nahuhulog sakanya... "may problema pa pala ako kaasar na kevin at migz yan magiging kaagaw ko pa nakakainis!!! BAKIT BA KASI MASYADO AKONG TORPE AT MAHIYAIN PARA UMAMIN!!!"

nung pabalik na ako ng classroom nakasalubong ko yung kuya ni sheena na si shayne at syempre pati ate ko...

"uyy lee san punta mo?" tanong ng madalal kong ate

"babalik na sa classroom" sagot ko

"mamaya ka na bumalik kwentuhan muna tayo" aya ni shayne

"ehh may cl.." hindi pa ako tapos magsalita biglang sumingit si ate

"wala yung next teacher nyo masama yung pakiramdam kaya maaga umuwi"

"ahh ganun ba" sagot ko nalang

"so ano kwentuhan na tayo?" nakangiting tanong ni shayne

"K" maikling sagot ko

*Sheena's POV*

"saan kaya sila pupunta? ang daya nila nagsosolo hmpf" nakita ko sila kuya shayne and ate lea na kasama si lee mukang may pupuntahan... hay bahala sila magsama silang tatlo...

My Little Miss PepperMintTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon