Chapter 5: Hinding-hindi

6K 180 5
                                    

*Anne's POV*

Ten years ago... Grade 3 ako

"Sinukuan, may nagpapabigay sa iyo nito" inabot ng kaklase ko ang isang maliit na paper bag. pagbukas ko ay may lamang juice at sandwich iyon. Nagtaka ako. Hindi naman ako mukhang PG bakit kailangan akong bigyan ng pagkain ng kung sinuman.

"Tenks. Kanino galing ito?" tanong ko pa. Sakto, wala akong baon kaya kung sino man ang nagbigay nito ay isa siyang hulog ng langit. 

"Si.." lumingon ito kaya nakitingin ako sa tinitignan niya. Papalapit ang demonyo kasama ang isang tropa nito na close ata ang Glutatione sa sobrang kaputian. 

"Timothy! Tara laro tayo doon" hinatak nito si Timothy na kausap ko pero bago pa sila makaalis ay may inilapag itong chocolate sa table ko

"Wag ka ng masungit" tsaka ito tumakbo papalayo. 

Tinignan ko ang chocolate sa table ko. Mukha siyang masarap. Branded. Pero yung nagbigay kasi is Demonyo so mukhang may gayuma at lason din iyon kaya nevermind na lang. Tumayo ako at itinapon ang chocolate bar sa basurahan. Ang dinala ko ay ang paper bag na mula sa Guardian Angel ko na hindi sinabi ni Timothy kung sino...

"Okay smile!"

Napanis na ata ang mukha ko sa kakangiti sa harap ng maraming tao. Awards night kasi at si Lucifer ay nominated sa mga sumusunod na awards:

Best Actor 

Rising Young Actor

Best Actor in Musical Play

Best Male Group (dahil lead singer siya ng bandang "The Heat" Mukha palang nila mukha ng nakahithit ng shabu lalo na siya bilang lead singer. Hindi ko trip pakinggan ang kanta nila dahil puro love, yabang at kung anu-ano pa)

Ferdinand Poe Jr.,Awardee

Lahat best...kahit kailan hindi naman siya naging best sa mata ko. Well, best in kayabangan. And this night, dahil wala na akong choice at kahit hindi naman ako pumayag na maging girlfriend niya ay nauwi din sa wala ang reklamo ko. 

Imagine!

Nag-tapat na sa harap mo. Ano pa ang gagawin ko! Matinde talaga. 

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Lucifer sa akin. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Pasok na tayo" lumakad kami pero dahil sa dami ng reporters na hinaharang kaming dalawa dahil gusto siyang kausapin ay napapahinto kami. 

Gusto ko sanang tarayan pero baka pumangit ang image ni Lucifer. 

"Sorry but we need to get in. Will answer your questions after the program. Thank you" tsaka ako hinila ni Lucifer papasok sa hall...

3rd year high school ako. 

This is the best day of my night. Partner ko si Liam na sikat sa school dahil sa sobrang gwapo. Oo, mas sikat si Lucifer pero sikat din si Liam. 

Sobrang kinilig talaga ako ng inaya niya ako para maging partner ako. kaya pinagawa namin ang best dress na pwede kong maisuot, tipong wedding gown na ang style.  Tapos pinatwag pa ni Mommy yung sikat na make up artist sa amin at pinaayusan ako. 

Emeged! This will be the best day of my life. Bumaba ako sa kotse hawak ang purse ko para makapasok sa hotel

"We will pick you before 12, Princess. Bawala maglakad si Cinderella ng 12 baka maging mukha kang maid" biro ni Daddy

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon