Good Afternoon! UD po...samantalahahin ag free time lalo na ang free WI-FI hahaha!
Enjoy Reading
Vote, Comment and Recommend ^_^
Yui's Pov
Kriiiiing....
Isa-isa nang nagtayuan yung mga classmates ko.
At isa sa mga naunang lumabas ay yung magaling kong katabi. Mabuti naman.
Tinignan ko yung polo na nakapatong sa table ko.
Anong gagawin ko dito? Sigurado ako kapag inuwi ko ito sa bahay, magtatanong si Mama kung kanin 'to.
Aiisssst, that stupid guy...grrrr binibigyan ako ng problema ee -_-
Biglang may lumapit sa akin at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.
"hi! I'm Shakira. Pwede sumabay ng lunch?"
"ha? ah oo naman. I'm Yui nga pala" tapos nag shake hands kami.
Nilagay ko nalang sa bag ko yung polo ni mr. sungit. Bahala na mamaya kung anong pwede kong gawin.
"Mukhang ikaw ang unang napagtripan ni Prince ah?" tanong habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
"Prince? sino yun?" tanong ko naman.
"Yung katabi mo? Haler? don't tell me hindi mo sya kilala?" takang tanong din naman nya.
"ahm, hindi ee. actually kanina ko lang sya na meet. Transferee lang kasi ako dito."
So, Prince pala ang name nya. Hindi bagay, sama ng ugali ee.
"no wonder you don,t know him. Well, sya lang naman si Drew Prince Mendleton. Ang panganay na anak ng may ari ng school na ito. At ang leader ng Red Spider" pagkukwento nya.
"Red Spider? Ano naman yun?" Wow ang dami ko ngang hindi alam.
"arggg, you don't know it either?"
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nag kukwento sya.
Nalaman ko na ang Red Spider ai grupo, or frat? or something like that. Basta grupo sya dito sa school na ang leader nga daw ay si Prince. May tatlong myembro ang Red Spider. Si Blaire De Guzman, ang pisan ni Prince. At si Clyde Santiago, kababata naman ni Prince.
Hindi naman daw sila palaaway, pero once na kinalaban mo sila, well, di ka nila uurungan.
Nalaman ko din na may half-brother itong si Prince. Sya naman si Drake Mathew.
Anak sya sa labas. Nag karoon daw kasi ng babae yung Dad ni Prince nung ipinagbubuntis sya ng mommy nya. Tapos ang masama, nabuntis din yung kabit kaya halos magka age lang silang dalawa.
Nung ipinanganak daw si Drake, inampon na sya ng Dad nya at syempre may permiso yung Mom nya.
"At alam mo ba kung bakit hindi sila magkasundo?" tanong sa akin ni Shakira habang pun ng pagkain yung bunganga nya. Nandito na kasi kami sa cafeteria.
Umiling naman ako. Hindi ko naman talaga alam ee.
"Kasi ang sabi, kahit hindi sya tunay na anak ng Mom ni Prince, pantay ang pakikitungo nito sa dalawa. Syempre ito namang si Prince, nag seselos." sagot naman nya.
Tapos andami pa nyang ikinuwento sa akin habang kumakain kami.
Bigla namang may sumigaw na isang lalaki dahilan para magtakbuhan sa labas lahat ng estudyante.
"Si Marby at si Prince nag aaway"
"tara Yui tignan natin." hindi na ako naka tanggi pa at bigla nalang ako hinila ni Sakira palabas ng cafeteria.
nagpunta kami sa kumpulan ng mga tao at nakisingit hanggang sa mapunta kami sa unahan.
"Aminin mo na kasi Prince, naiingit ka lang sa akin dahil Girl friend ko si Ayna kaya nilalandi mo sya" sabi nung lalaki kay Prince. Sya yung Marby na sinasabi nila.
"Pwede ba? hindi ko kailan man pinangarap na maging Girlfriend ang Ayna na 'yan. Tsaka, sya ang humalik sa akin. Ang bastos ko naman kung tatanggihan ko sya diba?" may himig naman ng oang aasar na sagot nya.
"Ang yabang mo talaga. Ee puro satsat ka lang naman ee. Pwede ba? bawas-bawasan mo nga yang paiging mayabang mo. Porke't anak ka ng may ari akala mo lahat masisindak mo?" sagot naman nung isa.
Nagsukatan sila ng tingin. Akala mo may kuryenteng gumagapang sa pagitan nila dahil sa titigan nila.
Tinitignan ko yung mga nakapalibot sa amin.
Parang masaya pa sila na nakikita nilang nag aaway yung dalawa.
"Ano bang pinag mamalaki mo ha? na girlfriend mo si Ayna? ha? ee putcha, halos lahat na ata ng lalaki dito sa campus natikman na sya ee." sabi ni Prince dahilan para lalong mainis yung Marby
"ee gago ka pala ee" tapos bigla syang sinugod nung Marby.
Susuntukin sana sya pero nakailag sya. Tapos sya naman ang sumuntok, natamaan nya sa kaliwang pangga yung Marby kaya natumba ito.
Agad naman itong tumayo at sinuntok sya sa tyan. Hindi naman nakaiwas si Prince kaya natamaan ito. Napaupo sya sa sahig at ininda yung sakit.
Kinakabahan ako sa nakikita ko. Hindi ako sanay na makakita ng ganitong eksena.
"Wala bang aawat sa kanila?" tanong ko kay Shakira.
Para naman syang tuwa tuwa sa nakikita nya at hindi nya man lang narinig yung sinabi ko.
Nagtuloy lang sa suntukan yung dalawa.
Suntok dito, suntok doon. Sipa dito, sipa doon.
Maya-maya pa, may biglang pumagitnang babae sa kanila at inawat sila.
"Marby ano ba? tama na yan, wag ka nang makipag away sa Prince na yan." sabi nung babae.
"ee tarantado ee. Nakaka lalaki." sagot naman nung Marby.
"oh bakit? tama naman yung sinabi ko ah?" sagot naman ni Prince.
itong lalaking 'to, hindi nalang manahimik. Inaasar pa kasi nya ee.
"ang sabihin mo, wala ka kasing girlfriend kaya inaagaw mo si Ayna sa akin."
"ha...ako? walang girlfriend?" natatawa pang sagoy ni Prince sa kanya.
"Sino namang may sabi sa'yo na wala akong girlfriend ha?"
"oh sige nga? kung talagang may girlfriend ka, nasaan sya?"
tapos natawa ulit si Prince at bahagyang yumuko para punasan yung dugo sa labi nya.
"Ayan sya oh" sabay turo..
Teka? b-bakit parang..s-sa akin sya nakatingin?
Lumingon ako sa likod ko, sa kaliwa, sa kanan. Pero lahat sila sa akin nakatingin.
"t-eka, N-nagkakamali ka----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla nalang hinawakan ni Prince yung kamay ko at inakbayan ako.
"sya ang Girlfriend ko"
Nanlaki yung mata ko nang mapagtanto yung mga nangyayari.
Ano ba 'tong napasok ko?
Ano nang mangyayari sa buhay ko nito?
![](https://img.wattpad.com/cover/23221831-288-k586555.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Princess
Teen FictionShe's Yui..sweet, charming and smart girl..She has the qualities of a Princess and once dream for a happy ending with his Prince Charming.. Then she meet Drew Prince Mendleton..bad boy, UN-gentlemen and deffinetly a GANGSTER He maybe a Prince by nam...