Ate 😍

13 0 0
                                    

Isang pagbati ang sayo'y aking hatid,
Lugod ko ang kasiyahan mo ngayon na aming batid,
Sa kaarawan mong puno ng ngiti sa paligid,
Dahil sa pagdiriwang ng iyong kabuotunan ng walang balakid.

Nais kitang pasalamatan sa iyong kabaitan,
naalala mo pa yung saya natin sa panahon ng ating kabataan?
Ikaw sa akin ay nagsilbing aking ate,
kaya kahit man lang tula, ika'y mahandugan.

Nawa sa iyong kaarawan mangibabaw ang iyong saya,
Katulad nung aking naramdamang tuwa,
Ng aking malaman na ika'y isang ganap na,
Ganap na isang babaeng may pagmamahal sa kapwa.

Kaya oo, diseotso kana, kahapon pa.
Pero
dito ka palang magsisimulang matuto.
Matuto sa mga kamaliang nagawa.
Matutong mas makinig sa iba.
Matutong mas maging responsable.
At matutong maging mas matatag kahit mahirap.

Pero kapag may problema ka
Magulang, ang una mong dapat takbuhan.
Sila ang dapat mong unang masasandalan.
Sila yung dapat na magiging pundasyon ng lakas mo, sa bawat pagsubok na iyong madadaanan.
Magulang, ang nagpapakahirap masuportahan ka lang.
Magulang, ang madalas magalit hindi para saktan. Kundi
para itama ang mga kamalian.
Masaya kapag ang magulang ang sayo ay sumusuporta.
Masarap sa pakiramdam na bigyang pugay ang yong ginagawa sa eskwela.
Sa araw-araw nilang kapaguran.
Sa walang katapusang paninilbihan.
pasayahin mo sila sa simpleng yakap at halik sa pisngi at diplomang minimithi ang siyang magpapangiti sa mukha ng taong bumuhay, nag-alaga, nag-mahal sa iyo ng totoo.
Ang mga taong iyon ay ang magulang mo.

Kaya ang hiling ko sayo na ngayo'y masasalamin,
Pangarap mo sana'y huwag susukuang abutin,
'Pagkat sa pamamagitan ng isang dalangin,
Ang iyong mga hiling sa Kanya'y didinggin.

Muli, maligayang bati sa iyong kaarawan,
Nawa'y poong Maykapal ika'y patnubayan,
Malusog na pangangatawan sayo'y ibigay,
Para sa labinwalong taong gulang at babaeng tunay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

debut spoken poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon