Adhikain sa Pag-ibig
Saan ka papanig?
Ni Carls Adrian Libao
Sang-ayon sa Pag-ibig:
Busilak. Dalisay. Walang kapantay.
Bituing marikit makuha pang ialay
Sa ano mang sigwa’y ‘di pasasaway
Pagkuyog man ng unos mahinahong isisikway.
Mapagkalinga’t bukod tangi
‘Di matigtig sahalip nagbubunyi
Nakakayanan hagupit ng lintik
Ganyan ang pag-ibig kung kumurit.
Matamis na diwa’y kumikiliti
Sa pusong pag-irog din ang sukli
Hindi mapapatid ngiti sa pisngi
Tumatagal pagkupas ng bawat sandal.
Pag-ibig ang sanhi sa ating pagkamulat
Sa mundong ginawaran ng yumi ng Nakakaangat
Puso Niyang puno ng pagmamahal
Asam pagkakaisa’t pag-iibigan, ipairal.
Kontra sa Pag-ibig:
Pag-ibig. Pag-ibig. Pag-ibig.
Sukat nito’y paghikbi
Hapding buhat, ‘di mapapawi
Panglililo’y siya pang isinusukli.
Mapag-imbot at makasarili
Yayapusin ang dilim makamit ang mithi
Ganyan kasakim ang pag-ibig
Pawis, luha’t dugo ang pinapailig.
Paningi’y pinipiringan ng kagandahan
Kayumihang kirot ang kahihinatnan
Mangyari nalang at ika’y tatangis
Dahil nilisan ng irog, binili’y hinagpis.
Baluktot na pananaw sa sisidla’y itinuturok
Pagsuway at pagtaksil sa magula’y iniluluklok
Aguhong nakasentro sa kasaganaha’y yumao
Dahil sa sumusulsol na pag-ibig, lahat tinatalos.
Lakambini/Lakandiwa:
Hep!Hep!Hep! Tumahimik muna kayo