Every one of us has been committed a promise..
A promise that can lead us to a change or disappointment..
True.. It's easy to make a promise, but to keep it and make it posible was the hardest thing to do..
But what if you manage to hold on to that promise so tight that you didn't realize That he's now holding on to a promise from someone else?
Will you still wait for him to change his mind?
Or you'll just choose to let go on that hope that you're holding for a long time?
It's the choice about breaking yourself for someone or breaking yourself for your own sake.
.
.
.
"Ash let's make a promise!" ani Amir.
"What promise? Why do we have to do that?" Nakangiting tanong ko naman dito.
"Ahmm nothing I just wanted to make this agreement, why? Ayaw mo ba?" Aniya at nagkunwaring nagtatampo na.
But of course dahil gusto ko si Amir hindi ko hinahayaan na magtampo siya o kaya naman ay mabigo ko siya.
"Nah, okay let's do it, anong klaseng promise ba ang gagawin natin?" Utas ko
Humagikgik naman ito bago magsimulang magsalita.
"Let's promise na after 5 years and we're still both single tayong dalawa na ang magpapakasal, okay?"
"Any violent reaction?" Aniya
Nabigla naman ako sa gusto niyang maging kasunduan namin.
Naisip ko na pabor sa akin ito, dahil noon pa man ay gustong gusto ko na si Amir, kababata ko siya, laki kami sa probinsya, may kaya kami sa buhay pero di hamak na mas mayaman ang pamilya ni Amir.
Sabay kami na lumaki, at sana'y kami na nanjan ang isa't isa para sa amin, kaya nga ngayon ay dito kami sa Manila nagaaral ng kolehiyo first year kami pareho.
Siguro dahil na din sa ugali ni Amir na malambing, maalaga at masayahin ay nahulog ng todo ang loob ko sa kanya.
Yes patay na patay ako sa kanya pero hindi niya 'yon alam, mahirap na ayokong may magbago sa amin, kaya sa tingin ko magandang kasunduan itong inooffer niya sa akin.
"Hey? Ashleigh! You're spacing out!" Aniya ng natatawa
"W..what? Pasensya na may naalala lang ako, ano na nga ba yung sinasabi mo?" Pagpapalusot ko, kung alam mo lang Amir ikaw lang lagi ang nasa isip ko.
"I said, do you have any violent reaction?" Aniya
Umiling naman ako at nginitian siya.
"Ahh wala naman, ikaw talaga, kung ano ano na lang ang naiisipan mong gawin." utas ko
Humagikgik nanaman ito at naglahad ng hinliliit sa akin.
"Here let's seal it with our pinky Ash." aniya at kinuha ang kamay ko.
"Promise?" Tanong niya na may cheerful na tingin.
Ngumiti ako sa kanya, ang ganda talaga ng mata niya, napakaexpressive nang mga ito at parang nahyhypnotize ako tuwing tinitignan niya ako.
"Promise.."
After we made that promise, ay itinatak ko na ito sa isip ko.
Hindi ako nagentertain ng kahit isang manliligaw ko, at nanatiling single for two years and counting.