He's My Dream Guy - Chapter 2

92 3 8
                                    

+++canteen

"Girl, napansin ko lang. Kelan ka pa nagsuot ng pendant ha? Pagkakatanda ko wala naman yan kanina."

"Ah eto ba?" sabay tingin sa pendant. "Bigay to ni Kevin kanina."

"Ah. Si Kevin? Yung sobrang obsess sayo? Naku. Grabe na nga tama nun sayo. O baka naman maluwang na turnilyo nun sa utak?"

"........" Nako. Kung siya din naman ang magiging topic namin. Mas mabuti pang kainin ko nalang yung pagkain ko.

"Pero seriously speaking Stella, ang gwapo ni Kevin. Tapos ang sweet nya pa sayo. Alam mo ba, ang daming babae daw ang nagkakandarapa para sa lalaking yun."

"So? Edi dun sya sa mga nagkakandarapa sa kanya." Hmmm. Ngayon ko lang nga narealize, gwapo nga naman si Kevin. Hindi naman siguro yun magiging escort ng class namin kung hindi yun gwapo diba?

"Hayy nako. Ewan ko sayo Stella. Pero kung ako sayo, sasagutin ko na yang si Kevin! Baka kasi may umakit sa kanyan ibang babae. Sayang. Ginto na naging bato pa."

"Edi sayo na. Palit tayo ng pangalan. Ikaw na si Stella, ako na si Kaylee."

"Ha.Ha. Ang dami kong tawa -_____- Diba gusto ka ni Kevin. Ikaw ba? Gusto mo na ba sya?"

"Alam mo bakla, pwede kang maging love guru. Try mo. Hahaha" Pero kidding aside, gusto ko na nga ba si Kevin? Ang dami na kasi nyang ginawa para sa akin.

Thinking na buong summer, pumupunta sya sa bahay para makita lang ako. Pero may times talaga na naiirita lang ako sa kanya e. Aish. Di ko talaga alam. Bahala na si batman.

+++classroom

*Now Playing: Put Your records on by Corrine Bailey Rae*

♫Three little birds, sat on my window

And they told me I don't need to worry

Summer came like cinnamon, so sweet

Little girls double-dutch on the concrete♫

Sino bang may sabi na nakikinig ako sa discussion? Hell, No! Bestfriends kami parati ng iPod ko kaya no time for listening to studies ako XD

♪ Maybe sometimes, we got it wrong, but it's alright

And nothing seems to change, and it all will stay the same

Ohh, don't you hesitate♪

Ano nga ba kasi yung subject namin ngayon? Ay oo nga pala, Physics. Naku. Talagang walang nakikinig dyan. Physics? Psh. Girl put your records on~! Haha!

♫Girl, put your records on, tell me your favourite song

You go ahead, let your hair down

Sapphire and faded jeans, I hope you get your dreams

Just go ahead, let your hair down

You're gonna find yourself somewhere, somehow♫

 "jhaseduoyhae"

Ano daw? Sino ba yung alien-speaking creature na yun?

"Steiaah pearhj"

Tinanggal ko yung earphones ko.

"Stella! Tinatanong ka ni sir!" pabulong na isinigaw sa akin ni Kaylee.

"I said Ms. Manalang, what is the electromotive force in the given diagram?" tanong sa akin ni sir na parang naiinis na kasi hindi ko pa sinasagot yung tanong nya.

"Uhh.... Sir. The electromotive force of the circuit is.." Haru.. Naputol na speech ko. Di ko naman kasi alam yung electrochorva force na yan e! Math nalang please! T____T

Starry Starry KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon