May mga bagay talaga na abot-kamay mo na nga, di mo parin makuha.
Minsan kelangan ituro ng mundo sayo ang tama sa paraang masasaktan ka, para tigilan mo ang mali at malaman ang pagkakaiba ng DAPAT sa HINDI. Pero minsan ang hindi pagtigil sa maling iyon ay nagdudulot ng magandang pangyayari
- - - - - - - - - -
"WAAAAH , mah-friend may bago ka na namang sticky notes ohh." yan naman si Allaine ang bestfriend ko na mahilig mangantyaw kasi may bago na naman nakadikit na sticky note sa locker ko.
this time "If you live to be a hundred,I want to live to be a hundred minus one day so I never have to live without you.”
“WUSHU, as if naman na si Zick yan” Oo sya yung guy na tinutukoy ko. Pero nung pagkasabi ko nyan , di na umimik si Allaine pero na ngiti sya. Vas Happenin ? Di kaya ?, Nah, di magagawa sakin ni Allaine yun.
“Uyy, girl bat di ka na umimik dyan ?” sabi ko sa kanya.
“Hu-huh ? May naalala lang ako na nakakakilig.”
“Wenks~ inalababo ka na ahh.”
“Lol no. Tara na nga sa room”
Pumunta na kami sa room namin at bumungad dun ang mukha ni Zick.
“Hello Allaine , Hello Chandra”
“He-hello” pautal-utal ko pang sabi kasi nga parang nako-concious ako.
“Hello ^^” reply naman agad ni Allaine.
Ibang-iba kasi ang personality ni Allaine sa personality ko. Siya kalog, madaming excess ng confidence at isang cheerleader. At ako naman ito , nganga, hanggang tingin lang sa lahat at isang member lang sa photojournalism club. Eto namang si Zick Clayton na sobrang crush ko ay isang Choir member.
Lumipas ang mga araw na padami na nang padami ang mga notes na napopost sa locker ko. Ako naman tong si ipon at tago ng mga eto.
Assorted yung mga nakalagay.
“I like you than you will ever know”
“I love you with the breath, the smiles and the tears of all my life.”
“I would give up everything for one moment with you; for one moment is better than a life time of never knowing you. :)”
Ancheesy no ? pero mas cheesy kapag yung tanong gusto mo ang magbibigay nyan.
Days past by , At BOOM. Nakita kong magkasama sila Allaine at Guy na kamukhang kamukha ni Zick sa canteen. Gusto kong umiyak, tumakbo. Yung feeling na kahit aanong oras ay baka manlabot ang mga tuhod mo at tumumba ka nalang.
Napasandal ako sa locker ko. Umiiyak, i dont know what to do. Im falling to pieces.Then may narinig akong kumalabog sa last part ng mga lockers.
“*sniff* sino yan ?” walang sumagot , iniisa isa ko yung mga row ng lockers walang tao.
Inignore ko nalang. Tapos pagkabalik ko sa dorm ko may isang bagong sticky note.
“Every night I long for this, makin’ up what I miss,I can hear you breathing letting out a sad sigh”
Nung nabasa ko to, lalo akong napaiyak. Sana ikaw nalang to, Ikaw na gusto mo. Sana ako nalang ang kasama mo sa canteen. Sana tayo nalang.
Last day bago mag sembreak, may mini concert at battle of the bands. Nakita ko si Zick na kumakanta sa harap ni Allaine at mukhang masayang masaya na sila na.
“I can see your shadow lying in the moonlight
I can hear your heartbeat playing on my right side
Every night I long for this, makin’ up what I miss
I can hear you breathing letting out a sad sigh
You tried so hard to hide your scars
Always on your guard”
Naririnig ko na kinakantahan niya si Allaine. Ayoko na ang mga nawi-witness ko masyado na kong nasasaktan i decide na itigil na ang feelings ko na to dahil sa huli, pagod at ako pa ang nasaktan. Lumabas ako at nagstay nalang sa corridor habang nakatingin sa mga nagpe-prepare sa ibaba.
“Don’t, don’t let me go
Don’t make me hold on when you’re not
Don’t, don’t turn away
What can I say so you wont
No don’t, don’t let me go…”
Bat parang lumalapit sakin yung kumakanta ? Bat boses ni Zick yun ? Tumingin ako sa likod ko.
Si Zick nga at kumakanta sya habang naggigitara. Tumngin din ako sa likod ni Zick andun si Allaine kasama ang kamukha ni Zick.
“I can see the skyline fading in the distance
Tears are comin’ down
I’m trying just to make sense
I don’t listen to the radio just the engine and the road
I wonder if my words are makin’ any difference
I dream and then it seem to end
But always come again”
“Dont let me go Chandra, I want you to know that. I like you. Ako yung mga nagpo-post ng sticky notes sa locker mo. Matagal ko nang gusto sabihin yun pero natotorpe ako *sabay kamot sa ulo*”
“Pero pano na si Allaine?”
“Hindi ako yung kasama niya sa canteen , kapatid ko yon sa ibang department”
Tears run down my face. “Hindi ko lang masabi sayo...Hindi ko masabi yung nararamdaman ko para sayo, kasi hindi ko alam kung ganun din ba yung nararamdaman mo para sakin. Natatakot ako na baka pag sinabi ko sayo na gusto ko kita eh gawin niyang advantage yun para paasahin ako. Oo halos araw-araw kitang nakikita pero lanhat ng gusto kong sabhin bilang umuurong sa bibig ko at nawawala.”
Lumapit siya sakin habang sinabi"Gusto ko araw-araw ka masaya.
Gusto ko araw-araw ka busog ng pagmamahal ko.
Gusto ko araw-araw kita napapaligaya.
Gusto ko araw-araw mo nararamdaman na mahal kita.
Gusto kita. Mahal kita. Ngayon, bukas at sa mga susunod pang mga araw.”
“Kung wala lang siguro akong hiya, matagal ko ng inaming gusto kita.”
BINABASA MO ANG
Don't let me go
Teen FictionAng pinakamahirap na pag-papanggap ay yung magkunwari kang masaya sa harap ng taong mahal mo kasama ang mahal niya.