Ang Mag-assume, Talo (One-shot)

14.4K 629 248
                                    

Dedicated sa author na bonggang maka-comment back. Salamat! :D

****

Ang Mag-assume, Talo

Do not assume unless otherwise stated.

Isang Accounting Rule na talaga namang applicable sa totoong buhay.

Assumptions.

Sino ba kasi ang nag-imbento nyang assumptions? Sino ba ang nag-introduce ng konseptong yan? Sino ang nagpauso nyan? Andami tuloy nasasaktan dahil sa assumptions na yan.

At isa na ako dun.

***

"Oh Cy! Tara na? Tapos ka na ba?" napatingin ako kay Francis na malapit sa may pintuan. Katatapos lang ng org meeting ko, pasado alas sais na ng hapon kaya kaunti na lang yung mga tao sa school, panay mga nagpa-practice nalang at mga nag-mi-meeting rin.

"Andito ka pa? Akala ko umuwi na kayo?" sabi ko habang inaayos yung mga gamit ko sa bag.

"Eh kung umalis na'ko, sino na lang ang kasama mong umuwi?" kaswal na sabi nya pero napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. Nabasa ko ang bahid ng concern sa tinig at mukha nya.

"Tara?" ni-lock nya yung pinto at umalis na kami.

Iyon ang unang araw na napansin ko si Francis. Ang Governor ng College namin, at kaklase ko.

***

Dumaan ang ilang araw na ginagabi ako parati ng uwi. Sa ilang araw ring yun sabay kami kung umuwi ni Francis.

Isang gabi ng Sabado may natanggap akong text. Galing sa kanya.

From:Francis <+6391690*****>

Gud evening! :) Wag kalimutan, assignments next week: a) ans Ex 6-1 to 6-5 & Pr 6-10 to 6-20 b) written report on Capital Budgeting Decisions (wid sample probs) c) 1500-word essay in HBO d) script for Foreign Language mini-movie (15 minutes) Yun lang, gudnyt! :)

Nireply-an ko sya ng "thanks sa pag-inform" dahil natapos ko na gawin lahat maliban dun sa pangatlo. Mabuti na lang pinaalala nya.

"Walang anuman basta para sayo, boss! :)" reply nya sa'kin.

Iyon ang unang gabi ng pagiging textmates namin ni Francis. Kahit anong topic- mapa school stuffs, movies, bagong kanta, tv shows at kung anu-anong kalokohan- wala kaming sinasanto. Hindi kami naubusan ng pag-uusapan. At nag-eenjoy rin akong kausap at ka-text sya.

***

"Aaaahhhhh! Basta! Pag may nanligaw sayo haharangin ko ng sibat!" bigla nyang sabi habang nag-uusap kami.

"B-bakit naman?" nabigla kasi ako sa mga sinabi nya.

"Aba! Syempre bawal ka pang magka-love life. Magiging CPAs pa tayo no" sabi nya nang may malapad na ngiti, "Kaya haharangin ko talaga sya"

Ang Mag-assume, Talo (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon