HIGH SCHOOL

18 5 0
                                    

HIGH SCHOOL
Noong una tayong nag kakilala.

Well, syempre nakilala kita kasi mag classmate tayong dalawa. Buong high school.

Ikaw 'yung tipo ng taong kinatatakutan, 'yung kahit na wala namang kasalanan 'yung isang tao kapag tinitigan mo matatakot.

Kaya nga noong una kitang nakita ang agad na pumasok sa isip ko ay, ayokong ma-involve sa taong 'to. Walang magandang maidudulot ang pag-dikit ko sa'yo.

Ang first impression ko sa'yo o baka nga 'di lang ako, ay suki ka ng guidance office. 'Yung halos ginawa mo nang tambayan 'yung guidance sa sobrang basagulero mo.

Kaya iniwasan kita buong 1st year, kasi ayaw kong magulo ang maayos na buhay ko.

2nd year, akala ko makakahinga na ako ng maluwag, kasi akala ko hindi na kita magiging classmate ulit.

Pero wala eh, mag kaklase ulit tayo. Ang sabi ko sa sarili ko, gagawin ko nalang ulit 'yung ginawa ko noong 1st year, iiwasan ko nalang siya, para walang inconvenience na mangyari.

Dahil ang gusto ko lang naman ay makapag tapos ng walang record sa guidance.

Kaso bago pa mag simula ang 2nd quarter ay nag bago na ang high school life ko. Oo masyadong OA pero 'yun yung dating sa'kin eh.

Naalala ko noon, nag chat ka sa'kin kasi hindi mo alam kung ano bang assignment natin sa A.P noon.

So syempre dahil sa mabait ako, ay sinabi ko naman sa'yo, baka kung ano pang mangyari sa mukha ko kapag hindi ko sinabi eh.

Akala ko huling encounter ko na sa'yo 'yun, pero bakit? Bakit ba palaging sa'kin ka nag cha-chat kapag hindi mo alam 'yung mga assignments?

Hindi lang naman ako ang classmate mo ahh 😭😭

Until 4th grading na, akala ko hindi na mababago 'yung first impression ko sa'yo.

Nawalan ng 1k pesos 'yung teacher natin, ang una nilang pinag bintangan ay ikaw. Nakakahiya mang aminin, pero ganun din ang tingin ko noong una.

Ikaw din ang pinag hinalaan ko.

Wala kang sinabi kahit isang salita man lang. Ni hindi mo manlang pinag tanggol ang sarili mo.

Noong time na 'yun nakaramdam ako nang awa sa'yo. Nag-tataka ako bakit wala ka man lang sinasabi para i-deny lahat ng paratang nila.

Bakit parang okey lang sa'yo na ganun ang tingin nila sa'yo.

Sa unang pagkakataon ay ako ang unang nag-chat sa'yo.

Tinanong kita kung Okay ka lang.

Pero "🙂🙂" 'yan lang ang sagot mo sa'kin.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niyan. Kaya tinanong ko kung bakit ayaw niyang ipagtanggol sarili niya.

At ang sagot niya lang ay:
"Bakit pa? Kahit na ano namang tanggi ko hindi rin sila maniniwala, kung simula pa lang ako na ang pinag-hihinalaan nila, wala na akong magagawa dun. 😂😂 ganun ba kasama tingin nila sa'kin?"

Hindi ko alam pero parang nasaktan ako sa sinabi niya. Na-guilty ako kasi kasama ako sa nang hinala sa kaniya.

Wala na akong ibang nasabi kundi ang sorry.

Kinabukasan, pinapunta ka nila sa guidance. Ewan ko ba kung bakit, sobrang kinakabahan ako noon. Hindi ko na masagutan 'yung pinapasagutan sa'kin nung Math teacher natin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon